Umaaraw Umuulan...

Kanina pa umaambon... mahinang-mahina lang ang patak pero tuluy-tuloy.. Parang nagsasabi ang panahon na "Magpatuloy lang kayo sa ano mang inyong ginagawa at ako nang bahala sa pagdidilig at pagpapalamig ng kapaligiran...Wag kayong magalala, sagot ko kayo ngyong umaga!" Cool!
 
Medyo nabasa ang bumbunan ko kaninang umaga lalo na nung patungo ako dun sa Jolli Jeep.  Kaya para hindi naman masyadong mabasa  ng patak ng ulan ay bahagya akong tumakbo.  Dahil dito, nagkaroon ako ng 5 minute run na hindi inaasahan kaya mas healthy ako ngayon ng 5 minutes...
 
Ito ay dahil sa ulan... salamat sayo! Idol kita!
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...