Kisses Nanganganak...

Dear Cynthia,
 
Special request mo ang pagaaral kong ito...medyo nahirapan ako.. wala akong makitang libro...
 
Medyo natagalan ang paggawa ko sa post na ito. 
Dapat kasi kasabay ito dun sa listahan ko ng urban legend. Pero bago likhain ang post na ito at ilathala dito sa pinakasikat sa blog sa buong mundo ay minabuti ko na munang magsiyasat at magtanong at para sa akin din na alalahanin ng mas detalyado upang mas maisalarawan ko ang hiwaga sa katanungang: NANGANGANAK BA TALAGA ANG KISSES!
 
Anatomy of those tiny little kisses..
 
Ang kisses ay mga malilit na butil na parang gawa sa plastic (or rubber yata)...
Kulay pink ito madalas pero meron ding ibang kulay.
 Nakikita na nakahimlay at tinatago sa mga pencil case at malilit na mga lagayan ng mga mag-aaral na babae (di ako sure kung merong lalaki.
 The question if these kisses are living things or non living things may be answered later...
 
Scented kisses
 
Basta ang alam ko mabango ang mga kisses na ito...
Kaya nilalagay ito sa mga pencil case para mabango ang amoy ng pencil case ng babae kahit minsan nagtatae na ang mga ballpen na katabi nito...
Pero sabi ng isa sa mga napagtanungan ko, nilalagyan daw ito ng pulbo (powder) to prolong the smell..
 
It's like a tomagochi..
 
Ang turing ng mga classmates ko dati sa mga kisses nila ay parang dun sa tomagochi..
ITS A PET...
Kaya mahal nila ang mga yun and they were wiling to save their precious baon para lang makabili ng kapatid ng kanilang mga kisses.
 
Ilagay sa bote, lagyan ng bulak, lagyuan ng pulbo, lagyan ng alkohol, takpan
 
Ito ang mas aggresive na pampadami daw ng kisses pero dapat sa ganitong paraan dapat ilagay mo ang bote sa aparador.
Let them hybernate and make love (siguro) sa loob ng bote undisturbed for a couple of weeks bago mo silipin...
Kapag madalas daw ang silip nauudlot ang panganganak... wtf?
 
Walang Matres walang etits!
 
Kahit anong silip ko walang akong nakitang matres or sex organ... 
Nanganganak nga ba ang mga ito?
isa ito sa mga malupit na debate nung elementary pa ako sa esteban abada...
meron kasi talagang naniniwalang nanganganak ang mga yun pero syempre merong namang taong to see is to believe ang mentality. 
 
Balutin daw ng bulak
 
Dapat daw para manganak balutin ng bulak ang mga kisses.....
parang magsilbing comforter daw ang bulak and shock absorber para hindi mauntog habang naglalaro ang mga girls ng langit lupa after ng klase...
 
The truth shall prevail
 
Grade 3 yata ako nun nung sumikat ang mga kisses na yan..
pero nung grade 4 ako nag sermon ang teacher naming si Mrs. Malapaya at sabi nya na dumadami na daw ang bumibili ng kisses dun sa tindahan sa tapat ng paaralan kaya payo ng punong guro na ipagbawal ang kisses sa loob ng iskul kung hindi kukumpiskahin ng mga boy scout ang sino mang makitaan nito..
Wala naman daw kasing scientific explanation na talaga dumadami ito..
kasi they dont do sex or masturbate kasi nga wala naman silang sex organ...
now, kung asexual ang reproduction nila na parang sa mga bulaklak dapat daw may mga bubuyog dapat na magdadala ng mga similya from one kisses to another (to that effect)....
Pakana lang daw ng mga tindera na dumadami (minsan daw nangingitlog) ang mga kisses of course for business purposes..
Kasi naman minsan may props yung tindera na kunwari may alaga din siya kaya ang mga bata naniniwala.. Sabagay naniniwala din ako dun sa mama dati na sa bulubundukin pa ng Mindanao nila nakukukha yung itititinda nyang gagamba kaya yun bumibili din ako...
 
The Verdict
 
Ito ay isang false report....
Isang katarantaduihan....
Hindi talaga sila nanganganak....
ito ay isang myth...
ito ay isang urban legend....
parang salary increase...
urban legend lang! 
Pero dapat igalang ang alaala ng kabataan...
hayaan natin silang maniwala...
matatanda na sila ngayon,
alam na nila ang kanilang ginagawa...
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid