Araw ng Kagitingan
Aking Adhiika...Makita kang sakdal laya....
Ngayon ay Ika-9 ng Abril, 2011. Ginugunita ngayon ng buong bansa (at buong mundo) ang anibersaryo ng Araw ng Kagitingan bilang pagalaala sa mga dakilang sundalong Pilipino (at Amerikano na rin) na lumaban ng buong kagitingan nuong ilalawang digmaang pandaidig sa Penisula ng Bataan, sa pamumuno ni Major General Edward King laban sa Japanese Imperial Army.
Feel the History
Nakabisita na ako ng ilang beses sa Mt. Samat sa Bataan at sa Corregidor Islang mga sampung taon na ang nakalilipas. Duon naramdaman ko ang pait at tamis ng kasaysayan ng ating bansa nuong digmaan; hanga ako sa mga sundalong nakipaglaban sa digmaan yun na sa kabila ng pakikipagdigma sa mas malakas na pwersa ng bansang Hapon ay hindi nagdalawang isip na ialay ang kanilang mga buhay para sa inang bayan.
My Grandfather was a WWII Veteran:
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang aking lolo, Francisco Angad, ay isang beterano nuong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang pagkakaalam ko ay dito siya nadestino nuong mga panahon iyon sa Maynila. Kaya yun, may dugong bayani talaga ako... hindi man siya inilibing sa Libingan ng mga Bayani (di tulad ni Angelo Reyes), alam naming buong pamilya ang serbisyo na ipinagkaloob niya sa ating bayan.
Beyond the heroism
Sa paggunita natin sa napakahalagang araw na ito, tingin ko higit pa sa mga parangal, benepisyo (na napakaliit), at pagpupugay na maari nating ibigay sa mga bayani ng ating lahi, ang nais marahil nila ay na tayo bilang bagong henerasyon ng ating bansa ay maging makabayan.. makabayan sa pamamagitan ng paggawa ng mabubuting bagay na magdudulot ng pagkakaisa sa bawat Pilipino. Ito ay sa kabila ang napakadaming pagsubok na dumarating sa ating bansa; kalamidad, pulitikal, ekonomiya, atbp.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang buhay (at kamatayan) ng ating mga bayani sa Bataan upang kahit nasan man tayo giliw kong kababayan tayo ay magsilbing liwanag sa kapwa nating Pilipino na dapat nating ipagmalaki na tayo ay lahi ng magigiting at lahi ng Pinoy... Pinoy sa isip, sa salita at sa gawa!
Mabuhay ang Republika ng Pilipinas!
Umagang kay Ganda! Kape tayo...
Comments