Basketball Superstars

Galing ako sa Munoz kanina.. nag-jeep lang ako para maiba naman... sumakay sa del Pilar Street ang tatlong binatilyo.. sabi nung isa "pugo saking yung sumabay kanina! sabay-kasi ng sabay yun nilusutan ko sabay ni-riverse dunk ko!" 

Napatingin bigla ako... akala ko kasi may nakasabay akong PBA basketball superstar... Pero ang nakita ko ay isang nerd-looking na binatilyo..muntik na akong magtanong kung saan nya nabili ang leeping ability nya at bibili ako ng dalawa.... nagtaka kasi ako nung una kung papaano sya nakakapag reverse dunk sa itsura nyang yun...

Buti na lang nagsalita yung isa nyang kasama... "medyo mahal nga lang ang per-hour dun sa computer shop na yun wala pang aircon!"....

Haaayyy....Thank God ibinigay mo agad ang sagot sa aking katanungan....

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...