Elementary Classmate Belvedere Mata

Naalala ko bigla (for no apparent reason) ang isang clasmate ko nung elementary sa Esteban Abada ES si Belvedere Mata a.k.a. Beloy.. Hmnnn siguro dahil nakakita ako ng clips ng isang pane crash kanina sa Discovery Chanell kaya naalala ko si Beloy... Lolo kasi ni Beloy si Nestor Mata....
 
Sa mga hindi nakakakilala kay Ka Nestor hindi po siya isang NPA.. he he he.. si Ka Nestor  ay isang journalist at higit na nakilala bilang nagiisang survivor sa plane crash na kumitil kay dating Pangulo ng Pilipinas Ramon Magsaysay ng bumagsak ang kanilang sinaskyang eroplano sa isang bulubunduking bahagi ng Cebu... Tibay noh? lone survivor? lufet.
 
Kaya sa pagkakatanda ko (at kwento lang din sa akin dati nung bata ako) si Ka Nestor ang unang nagbalita sa isang press dispatch na sinabi sa isang nurse habang nasa hospital pa na "President Magsaysay is dead!"...
 
Nasan ka man Bely at kung nasan man si Lolo Nestor mo.. kumusta kayo... I'm sure mga survivors din kayo ng buhay na ito.... god bless...
 
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...