Philippines' Lenten Exodus
Nagsimula na ang Pinoy version ng Exodus... Hindi man ito kasing dramatic kaysa sa pagalis ng mga Israelitas mula Ancient Egypt patungong Canaan, pero ang effect nito sa mga maiiwan sa Maynila at sa mga pupuntahan nilang mga kabihasnan ay ganun din..
The Traffic
Kanina pa lang ay kapansin-pansin na ang luwag sa mga lansangan sa Metro Manila at inaasahan kong mas lalo pa ito luluwag sa mga susunod na mga araw.. Medyo madaming truck nga lang sa kalye.. hindi lang ako sure kung cancelled pansamantala ang Truck ban....
Nagdiriwang ang mga Baboy
Nagtataka siguro ang mga babot sa mga farms kung bakit parang walang death penalty na nagaganap masyado sa mga panahong ito... akala nila siguro disolved na ang death penalty ng mga baboy.. hooist.... bubuwel lang ang mga Pinoy kakatayin din kayo sa araw ng Linggo...
Nagluluksa ang mga isda
May rally ang mga unyon ng mga isda sa mga karagatan ng Pilipinas sa mga oras na ito...Nagtataka sila bakit parang napapadalas ang hagis ng lambat ng mga mangingisda.... at sobrang dami ng barko ang pabalik-balik sa fishport ng Navotas... this is murder! this is overkill sabi ng mga isda...
Work work work
Sa mga tulad nating BPO employee at public servant.. hindi uso masyado ang Exodus na ito.... hindi naman kami ginagalang nga mga Amerikanong nagpapadala ng report... sana alam din nilang may Holy week sa Pinas at ito ay isang beses lang sa loob ng isang taon.... Bilang goverment official naman, its business as usual... tuloy lang ang serbisyo publiko...
Ingats ingat ingat...
Sa mga mage-exodus, mag ingat po kayong lahat... sana bago kayo magtampisaw sa tubig na malamig ay makapagbigay manm lang sana muna ng panalangin, makatulong sa mga nangangailangan at magbalik-loob.. kapag okay na ang kalagayan ng puso at kaluluwa....abay ano pa ang hinihintay...eh di party party na!
Comments