The Heat is On

Ibang-iba ang init ng panahon ngayon.. napakainit ng biyahe kaya parang piniprito ang betlog ko sa upuan ng motor ko kapag papasok ako sa opisina... buti na lang malamig na sa gabi kapag uwian na...
 
Kahapon ng practice run ako sa Amoranto Sports Complex ng mga alas singko ng hapon.. konting ikot pa lang sa stadium pawis na pawis na agad ang kili-kilil ko dahil sa sobrang init... pero mas masarap na agad tumakbo dahil hindi mo na kailangang mag warm up kasi warm and humid na talaga ang panahon.. ha ha ha.. may advantage and disadvantage talaga ang buhay ng tao.
 
Sarap ng takbo ko kahapon dahil sa madaming dahilan.. masaya tumakbo kapag ganun.. kung ano man ang dahilang yun tanging ako lang ang nakakaalam.  
 
Parang ang sarap talagang mag swimming..  Makapagyaya nga bukas para medyo malamigan ng kaunti ang pakiramdam...
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...