RCBC Plaza Got Talent

Sayang hindi ko napanood ang performance ng mga ka-officemates ko na sumali sa RCBC Plaza Got Talent medyo madami kasing lakad kahapon... Balita ko nagkagulo das dun sa Lung Center ng RCBC nung sumayaw na yung grupo ng eData.  All Star Selection daw kasi ang group  na yung representing all the departments of the company. 
 
Ohhhh! Ahhhhhh!!!
 
Nagusisa ako at nagtanong sa mga nakapanood kahapon.. Unang tinanong ko kung ano ang reaction ng ibang mga nanood lalo na yung hindi namin ka-opisina at tulad ng aking inaasahan puro Ohhhh! at Ahhhhhh! daw ang kanilang mga narinig at puro paghanga sa mga mukha ng mga fans ang kanilang nakita!
 
Malufet
 
Yung set up daw ng RCBC Got Talent parang din daw sa America's Got Talent na may mga judges na kamote.... joke!  Malufet at puro positibo daw ang mga kukmentong ng mga hukom sa mga dancers ng eData! Eh wala naman talagang umaasa na may negative comments silang matatanggap!
 
Kitakits sa Finals
 
Paumanhin sa inyo mga giliw kong kaibigan lalung-lalo na kay Nonong dahil sa pagliban ko sa panood ng contest kagabi! pero ang suporta ko ay hindi nawala sapagkat nasa puso ko kayong lahat sa bawat minuto ng buhay ko... Kung hindi ako nagkakamali sa April 7 na yata ang grand finals ng mga nag qualify.... dun na lang tayo magkita-kita.... at asahan nyo na kung kinakailangang i-cancel lahat ng appointments ko ay akin yung gagawin.! 
 
Good Job Guys! Congratulations!
 
Thanks to Mam Belle sa pictures!
 
Umagang kay Ganda! Kape tayo...

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...