Tortang Talong

Tortang talong ang ulam ko kanina para sa akign pananghalian... Bukod sa masarap at masustansiya ito, ito lang ang kakasya sa kakarampot kong budget sa mga oras na ito... May extrang pera dapat ako para makapag-pamasahe (body masssage) noong nakararaang araw pero nawala pa kasi may humingi ng tulong na kabarangay; pero okay lang hindi naman ako nagrereklamo mabuti na yung ikaw ang tumutulong kaysa iakaw ang tinutulungan... Haaay ganun talaga....
 
Dear God,
 
Tungan mo naman ako ngayon.. tatapatin ko na po kayo;250 php na lang po laman ng wallet ko.. todo na ito...wala na pop akong makitang nakatago sa mga secret pockets.. Sana po ay may parating na grasya (nararamdaman ko meron) sa mga susunod na araw para naman makakilos ako ng mas maluwang, hirap po din kasi ng walang datung...
 
Sensya na po kayo saking God super said kasi talaga ako ngayon...
 
Salamat po....God Bless (ooops sorry.. kayo nga po pala si God).
 
Nagmamahal,
Topey

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...