My Good Friday Prayer and Reflections

Sa mga ganitong pagkakataon, sa kabila ng katahimikan sa kapaligiran, at sa kabila ng pagdarasal ng mga Kristiyano ay kailangan din nating magisip-isip sa mga bagay at mga pangyayari sa ating buhay ng mga nakalipas na panahon.  Hayaan nyo akong ibahagi sa inyo kung ano ang nasasaisip ko sa mga panahong ito...
 
May pasok ako ngayon kahit na Viernes Santo at ganun din bukas Sabado De Gloria.  Minsan kapag natatahimik ako kahit mag-isa sa bahay ay naaalala ko  ang madaming bagay sa aking buhay.
 
Ang unang Letra'y Asuncion..
Ere namay Resurecksyon
Ang Ikatlo'y Adorasyon
Ele naman'y Lementasyon
Aral ng Diyos na Poon...
 
Kasalanan
 
Napakadami kong kasalanan sa Diyos... mga kasalanang hindi ko nais pero aking nagawa... kasalanan sa kanya, sa kapwa at sa aking sarili.  Bata pa lang ako ay alam ko na ang bawat kasalanan ay kalakip na kaparusahan at ang lahat ng ito ay ihaharap sa iyo sa oras na hahatulan ka na sa pagkamatay ng katawang lupa mo.  Si hesus, na nagpakasakit  para sa atin ay ipinadala ng kanyang ama upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan.... subalit bakit nagagawa ko ang mga bagay na hindi naman dapat?.. bakit ko iniisip ang mali?... bakit? ang tanong ko?
 
"Let us therefore come boldly to the throne of grace,
that we may obtain mercy and find grace to help in time of need."
(Hebrews 4:16)
Kapatawaran
 
Wala sigurong tao na makakapagsabi na wala siyang kasalanan.. sapagkat lahat tayo ay makasalaanana.... madami lang ang hindi umaamin nito.  Mapagmahal at mapagpatawad ang ating panginoon, siya ang matulukngin sa oras ng pangangailangan dapat lamang na tayo ay lumapit sa kanya at humingi ng kapatawaran at ang kapatawaran na iyon ay ibibigay nya sa atin. 
 
"Cast your burden on the Lord, and He shall sustain you;
He shall never permit the righteous to be moved."
(Psalm 55:22)
 
Problema at pagod
 
Tunay naman na nakakapagod ang buhay ntin dito sa mundo... sa dami ng problema at pagsubok sa atin ay paminsan-minsan ay parang nais ko nang sumuko...problemang misan ay parang walang solusyon at pagsubok na parang walang katapusan... Ito kasi ang mindset ko minsan kapag nakakalimot akong tumawag sa kanya.. kapag kinakaya ko sa sarili kong lakas ang lahat ng humahadlang sa aking buhay. 
 
"Behold, I am doing a new thing;
now it springs forth, do you not perceive it?
I will make a way in the wilderness and rivers in the desert."
(Isaiah 43:19)

Pagbabago...
 
Hindi dayo perpekto... kaya nga tao ang tawag sa atin. kasi kung perpekto tayo Diyos dapat ang itawag sa atin. pero dahil tayo ay kawangis ng panginoon dapat pilitin nating gumawa ng tama.. maraming paraan ang paggawa ng tama... nandyan ang paggawa ng kabutihan araw-araw, umiwas sa tukso, tumulong sa mga nangangailangan ng walang kapalit, magsimba, maging mabuting ama, ina, anak, asawa, biyenan, kaibigan etc, maging mapagpatawad etc. 
 
Ang aking panalangin
 
Panginoon,
 
Sinasamba kita at pinupuri sa taglay mong buti at kapangyarihan o Diyos...
 
Sa banal na Linggong ito, hayaan nyo po akong magpasalamat sa lahat ng kabutihan at biyaya na ipinagkaloob mo sa akin mula nuong ako'y nasa sinapupupunan pa ang akign ina... salamat sa paggabay at pagtulong mo sa akin sa oras ng aking mga pangangailangan...
 
Sa kabila nito panginoon, ako'y nagkasala sa iyo.. sa isip, sa salita at sa gawa... kasalanan na akoy nagiging mahina at nawawalan ng panahon upang tumawag sa iyo.... kasalanan po na nagawa ko sa sarili, sa kapwa at sa iyo....
 
Hindi ako karapat-dapat lumapit sayo subalit alam ko na mapapatawad mo ako.. Patawad po hesus... nakaluhod po akong sumasamo sa iyo na ako's basbasan mo ng kapaatwaran... akoy isang makasalanan... Panginoon, patuloy nyo po akong samahan sa akign paglalakbay sa buhay na ito kasama ang mga mahal ko sa buhay.  Patnubayan nyo po ang aking pamilya at mga kaibigan...
 
Maraming salamat po... Lahat ng ito ay inilalapit ko sa iyo sa ngalan ng iyong anak na si Kristo na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.. Amen...
 
Ang iyong anak,
 
Topey
 
 
 
 
 
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...

Titi ni Pacquiao