I'll See You in KORT!!!

Ito ay isang unconfirmed, unverified report... but from a very credible insider..
 
Idedemanda daw diumano ang mga taong umalis sa kumpanya- sila yung mga nag-resign at umalis na dun sa kumpanyang yun sa NAVOTAS dahil sa sobrang baba daw ng sweldo.. sinabi daw ito nung kamoteng may-ari sa isang handaan na orihinal na inihanda bilang selebrasyon para sa mga empleyadong nagdiriwang ng kanilang mga kaarawan...
 
pinakain muna
 
Pero bago naman daw sinabi ng magaling na CEO ang mga salitang yun ay pinakain muna sila ng mga masasarap--- ito daw ay para makain naman nila ang mga salitang kanyang bibitawan sa pagsagot niya sa mga katanungan na inipapipililt sa kanilang itanong... NO CHOICE.....
 
zipper sa balat
 
Ganun daw talaga ang CEO na yun... clue... kalahi siya ng mga boksingerong pinabagsak at pinatulog ni Manny Pacquiao..  iba nga daw talaga ang karakas ng gagong iyon.. meron daw kasi itong zipper sa balat. Napakakuknat daw ng CEO na ito.. makunat pa sa tsinelas at sa sinturon na nilaga at ipinahigop ang sabaw...
 
Better safe... than sorry....
 
Ang problema sa tanungan portion na iyon kapag nagtanong ka laban sa kanya daw patay ka!  Kaya mas maganda daw na magtanong ng mga bagay na walang katuturan tulad ng favorite color, favorite Filipino Food, favorite NBA team, edad nya na di natin alam, atbp.. basta dapat positive....
 
Partial repot pa lang ito.. abangan ang iba pang mga detalye....
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...