Posts

Showing posts from April, 2011

Being Provoked

Image
May mga bagay na ayaw mo namang sanang gawin.... pero dahil pinipilit ka ng iba, minsan nauubos din ang pasesya mo at napipilitnag gawin kahit mabigat at masakit ito sa iyong kalooban... Bakit naman kasi ang mga tao at ipinipilit ang kanilang pagkaunawa sa mga bagay kahit ilang beses mo na itong sinabi sa kanila na sila at nagkakamali.. Ginagalang natin at pinakikinggan ang opinyon ng iba pero hindi naman sa lahat nag pagkakataon ay dapat tayong sumangayon lalo na't alam mong naipaliwanag mo na ito ng personal sa kanila subalit patuloy pa rin silang naniniwala sa kanilang mga baluktot na paniniwala... tsk tsk tsk..... ayaw ko sanang gawin pero parang pinipilit mo ako... sa kabila ng pagrespeto ko sa opinyon mo, hayaan mo ding irespeto ko ang opinyon ko..... ngayon... pakiusap....ako naman ang unawain mo....

Group 8 Meeting April 30, 2011

Dapat PM shift ako ngayon pero dahil sa management-initiated (MI) offset pumasok ako ng mas maaga para sa meetign ng group 8 na pinangunahan nina Mam Releth, Mam Bamski at syempre nandun di si Sir Allain.  Bitin ako sa tulog ngayon dahil nga syempre 10PM ang out ako kagabi at hindi naman ako nakatulog ng mabilis kasi nakipaglaban pa ng wrestling sakin si George kagabi.  Okay naman ang meeting, masaya, relax lang ang lahat, libre ang snack and informative naman....11AM na natapos ang meeting kaya 11AM na rin nakapagsimulang gumawa ng mga live files ang inyong lingkod... What a very professional way to start this day and of course to start my weekend.  Happy Weekend sa lahat!

The Royal Wedding April 2011 A.D.

Image
Napanood ko ng bahagya ang tinaguriang Royal Wedding nina Prince William and Kate Middleton... Nakakatuwa kasi alam mong ang suot ng mga entourage at mga guests ay hindi costumes kundi mga tunay na kasuotan ng mga dugong bughaw.  Parang sa pelikula well-coordinated and naturang kasal...

Basic Basketball Clinic

Image
Nagturo ako ng mga basic basketball skills kanina sa mga bata na nasa elementarya pa lang.... Ewan ko pero iba ang self-satisfaction ko kapag mga musmos ang tinuturuan ko ng basketball... Basic driblling, passing and shooting skills lang naman ang itnuro ko kanina... Madami kasing magagaling maglaro (daw) ng basketball pero ang sakit sa mata tingnan kasi walang fundamentals.. Dati ko pa ito ginagawa college pa lang ako.. Sana maulit pa para mas matuto ang mas madaming bata hindi lang tungkol sa basketball kundi sa halaga ng edukasyon at ng disiplina...

Haberday Kap!

Image
Maligayang kaarawan sa aming Punong Barangay, si Capt. Ernesto Berroya, na nagdiriwang ng kanyang ika-58 na kaarawan sa araw na ito, Abril 29, 2011.  Malusog na pangangatawan at mahabang buhay ang panalangin ng pamilya ko at ng buong barangay para sa iyo, upang mas lalo mo pang mapaglingkuran ang iyong mga nasasakupan.    Muli HaBERDAY KAP!

Talinghaga ni Kamote

  What a Coincidence? Nagkasalubong daw yung dalawang kamote (kamote one & kamote 2),  kaya napagusapan daw nila si bulaklak... kaya nung nagawi daw si kamote one dun sa garden minabuti na daw niya na dumaan na rin kay bulaklak para maimbitahang kumain/uminom.  Sinabi ni Kamote One na buti na lang at nagkasalubong sila ni Kamote Two...   Anga dali naniwala ni bulaklak.... Baka patibong lang yun ni Kamote Two... Well.... Kamote's will stay kamote for the rest of their (kamote) lives.   Eto ang sayo KAMOTE..... FARRRRRTTTTTTTT....ha ha ha

I Also (Sometimes) Think About The Money

Akala ko super secured na ako sa conviction na kahit hindi ako yumaman basta masaya at mapayapa ang buhay ko... Pero may mga araw din palang iniisip mo din kung ano ang pakiramdam ng may datung ka rin sa bulsa mo.... Hindi masama maiingit pero minsan naiisip ko din na palagi na lang akong nakikisakay sa mga kotse ng mga kaibigan ko.... ano kaya kung meron din akong sariling sasakyan? hmn...hindi naman siguro masamang mangarap... Pero dont get me wrong.. ganun pa rin ang paniniwala ko.. na mas mainam ang simpleng buhay na ubod ng saya at basbas ng ligaya.... Nakakapagisip lang minsan.... Haaaayyy.... I am still human after all.     

Kowloon House Bola-bola Pao

Image
Panalo talaga ang bola-bola pao sa Kowloon House.... medyo napasarap talaga ang kain ko dito kagabi nung napadaan kami dun sa branch nila malapit sa Welcome Rotonda.... Syempre may partner na mainit na mainit na special beef mami yun.. Ang resulta napakasarap ng tulog ko at tinanghali na ng gising.. Can I call it nocturnal craving for food? lol

The Sun is Hot ...and So Are You

Parang umaapoy talaga yung init ng panahon... Kapag pagmamasadon mo maigi ay parang naglalagablab ang kalsada sa sobrang init... buti na lang hindi ako balidoso sa kulay ko.. kundi naku baka maubos ang sunblocks sa mercury drug.  Pero ano ba naman ang dapat nating asahan ngayon eh buwan ng Abril ngayon, mas nakakapagtaka siguro kkung tagulan ngayon... okay lang ang init.. bring it on! swimming? sige lang! outing? walang problema!

Beautiful... with.... or without...

With or without that gift wrap, tingin ko talaga sya ay maganda... hindi nya lang yata alam yun,  pero ganun talaga....

The Echolalia Experience

Sa personal kong talahulugan tungko sa echolalia, ito ay ang paulit-ulit na paguusap or ang muling pagbubukas ng usapin sa mga usaping matagal nang napagusapan at ninais nang hanggat maaari'y huwag nang pagusapan.  Subalit sa mga hindi maipaliwanag na dahilan, ang mga ito ay muling nabubuksan at napaguusapan kahit ayaw at hindi na dapat pagusapan.  Nakakasar at hindi nakakatuwa.... Malinaw ba? yun ang echolalalia (sa aking karanasan)

The Manila Bay Breakwater

Image
Dun daw makiita ang pinaakamagandang eksena ng pagubog ng araw sa dapit-hapon (Sunset @Manila Bay)..... Pero, amoy tae na talaga ang Manila Bay, parang nagsisilbi na kasi itong isang malaking septic tank ng halos lahat ng lungsod sa Kalakhang Maynila.  Pero hindi daw nila alintana (yata) ang malapusaling amoy nito basta sila ang magkasama; yun daw kasi ang mas mahalaga.  Ngiiiii... kadiri.. ha ha ha.....Wala daw silang picture sa pagpunta nila dito pero parang regular place  of contemplation na yata daw nila ang Look ng Maynila;;;; uyyyyy suweeeeettt.......  ang mahalaga daw happy sila.... yahoooo....... lol 

Bagong-bagong sounds

Ibang klase ang sounds ni manong guard dun sa reception.. parang back to the future.... oldies na oldies ang sounds... parang hinuhugot lang kung saan yung sounds nya

Winter Fashion in a Tropical Country

Matindi ang init ngayong araw na ito... hindi naiiba sa init kahapon, masakit sa balat masakit din sa mata.. Pero, hindi ito alintana ng ilang mga kabataang nakita ko dun sa malapit sa boundary ng Makati at Maynila kanina papasok sa opisina. Naka winter attire ang mga kumag at feeling nila siguro ay uulang ng nyibe ngayong katanghalian... Matindi basta lang makaporma na parang hilaw na Amerikano o European... Kahit magbutil-butil ang pawis sa sobrang init japorms pa din ang mga kumag.... Hindi ako nakikialam sa fashion statement nila...bahala sila sa buhay nila.. parang gusto ko ngang huminto at sabihan silang wag kalimutang uminom ng tubig para hindi sila ma-dehydrate.... ha ha ha..

My Good Friday Prayer and Reflections

Image
Sa mga ganitong pagkakataon, sa kabila ng katahimikan sa kapaligiran, at sa kabila ng pagdarasal ng mga Kristiyano ay kailangan din nating magisip-isip sa mga bagay at mga pangyayari sa ating buhay ng mga nakalipas na panahon.  Hayaan nyo akong ibahagi sa inyo kung ano ang nasasaisip ko sa mga panahong ito...   May pasok ako ngayon kahit na Viernes Santo at ganun din bukas Sabado De Gloria.  Minsan kapag natatahimik ako kahit mag-isa sa bahay ay naaalala ko  ang madaming bagay sa aking buhay.   Ang unang Letra'y Asuncion.. Ere namay Resurecksyon Ang Ikatlo'y Adorasyon Ele naman'y Lementasyon Aral ng Diyos na Poon...   Kasalanan   Napakadami kong kasalanan sa Diyos... mga kasalanang hindi ko nais pero aking nagawa... kasalanan sa kanya, sa kapwa at sa aking sarili.  Bata pa lang ako ay alam ko na ang bawat kasalanan ay kalakip na kaparusahan at ang lahat ng ito ay ihaharap sa iyo sa oras na hahatulan ka na sa pagkamatay ng katawang lupa mo.  Si hesus, na nagpaka

Hyundai Accent Run 2011 Result

Heto ang result ko:   Shoe tag number: 11243 Category:  10 km Gun Time:  1:08:13 Chip Time:  1:07:48 Wave Start:  05:15:00 AM Start Time:  05:15:25 AM Finish Time:  06:23:13 AM Pace:  06:49.3 per kilometer   Conclusion:  mabagal na untrained runner... hu hu hu...

2011 Holy Week Holidays

Ayos! Regular Holiday pala ngayon (Maundy Thursday) at bukas din (Good Friday) at sa Special non-working holiday din sa sabado (Black Saturday)...Ayos at makaka-double pay din kahit papaano sa pagpasok sa tatlong araw na ito.  Ayaw ko naman talagang pumasok pero minabuti ko na lang din na wag nang lumiban sa mga nabanggit na araw para wala nang checheburecheng tanong ang ilang mga tagapagsiyasat.  Mas nais ko sanang manatili na lang sa bahay pero ganun talaga siguro kapag ang level of emploment mo sa mga panahong ito at parang ka-level mo lang ang mga aliping sagigilid....    

Elementary Classmate Belvedere Mata

Naalala ko bigla (for no apparent reason) ang isang clasmate ko nung elementary sa Esteban Abada ES si Belvedere Mata a.k.a. Beloy.. Hmnnn siguro dahil nakakita ako ng clips ng isang pane crash kanina sa Discovery Chanell kaya naalala ko si Beloy... Lolo kasi ni Beloy si Nestor Mata....   Sa mga hindi nakakakilala kay Ka Nestor hindi po siya isang NPA.. he he he.. si Ka Nestor  ay isang journalist at higit na nakilala bilang nagiisang survivor sa plane crash na kumitil kay dating Pangulo ng Pilipinas Ramon Magsaysay ng bumagsak ang kanilang sinaskyang eroplano sa isang bulubunduking bahagi ng Cebu... Tibay noh? lone survivor? lufet.   Kaya sa pagkakatanda ko (at kwento lang din sa akin dati nung bata ako) si Ka Nestor ang unang nagbalita sa isang press dispatch na sinabi sa isang nurse habang nasa hospital pa na "President Magsaysay is dead!"...   Nasan ka man Bely at kung nasan man si Lolo Nestor mo.. kumusta kayo... I'm sure mga survivors din kayo ng buhay na i

I Miss PR50

Grabe, emotional din pala talaga ako.. di ko akalaing sa tikas (naks tikas talaga) kong ito ay apektado din ako sa paglisan ng isang malapit na tropa dito sa kumpanya... Sya ang nagturo sakin ng madamign bagay... madaming mabuti.. konti lang masama ha ha ha...Nalulungkot talaga ako.. hindi pala kayang magpa-champion talaga si Scotie Pipen kapag wala si Jordan.. hu hu hu :(  

The Sandwich Connection

Image
Baon dapat ang clubhaws sandwich na iyon... sinilip ko lang nung una para malaman kung ano ang mga palaman, nakita kong tumulo ang ilang natutunaw na keso kaya sabi ko sa sarilli ko isang kagat lang... yun ang isang kagat naging dalawa, naging tatlo, naging apat and so on and so  forth... yun naubos ang baong sandwich... ubos na ang baon.. tunganga na lang mamaya... hu hu hu.... :(

Hindi Daw Gagaling

Matagal din akong naniwala sa kasabihan ng mga damatans na hindi daw gagaling kapag ikaw ay nasugatan ng Viernes Santo.. Napatunayan ko lang ito ng sumemplang ako sa bike ko dati nung grade 5 ako at nagkaroon ng malaking sugat sa tuhod.. akala ko talaga hindi gagaling Viernes Santo kasi nun.. pero awa ng Diyos gumaling naman.... Betadine lang at pananampalataya ang katapat...

Condolence Section

Galing ako sa KFC kanina.... nung pauwi na ako narinig ko dun sa isang crew na babae na nagsabing; "sir yung straw, spoon and pork nandun po sa 'CONDOLENCE SECTION' sa right side"... dinig ko talaga condolence pero  napagisip-isip ko condiments pala.... ha ha ha....

Philippines' Lenten Exodus

Image
  Nagsimula na ang Pinoy version ng Exodus... Hindi man ito kasing dramatic kaysa sa pagalis ng mga Israelitas mula Ancient Egypt patungong Canaan, pero ang effect nito sa mga maiiwan sa Maynila at sa mga pupuntahan nilang mga kabihasnan ay ganun din..   The Traffic   Kanina pa lang ay kapansin-pansin na ang luwag sa mga lansangan sa Metro Manila at inaasahan kong mas lalo pa ito luluwag sa mga susunod na mga araw.. Medyo madaming truck nga lang sa kalye.. hindi lang ako sure kung cancelled pansamantala ang Truck ban....   Nagdiriwang ang mga Baboy   Nagtataka siguro ang mga babot sa mga farms kung bakit parang walang death penalty na nagaganap masyado sa mga panahong ito... akala nila siguro disolved na ang death penalty ng mga baboy.. hooist.... bubuwel lang ang mga Pinoy kakatayin din kayo sa araw ng Linggo...   Nagluluksa ang mga isda   May rally ang mga unyon ng mga isda sa mga karagatan ng Pilipinas sa mga oras na ito...Nagtataka sila bakit parang napapadalas ang

Sleep Deprivation

Hindi ako makatulog kagabi masyado.... alas tres na ng umaga gising-na gisign pa ang diwa ko.. kahit alam ko na pagod na ang akign katawan dahil sa mga gawain sa maghapon ay hindi pa rin ako  makatulog.... kaya ito tuloy ang naisip kong statu sa FB ko kaninang umaga.  Sana makatulog ako mamayang gabi para makabawi naman.  Kakapagod lalo magbilang ng mga tumatalong tupa... mamaya try ko na lang magbilang ng tumatalong baka para kapag nagkamali ako mas malaki-laki at mas mabigat ang babagsak sakin..... :)

One Friend

'Cause when we were together It made the dream come true. If I had only one friend left, I'd want it to be you... Madami kang makikilala sa buhay mo pero isa lang ang masasabi mong one-friend sa buhay mo.. kapag nakilala mo na sya.. sya na yun.. hindi na yun magbabago kahit kailan man...

JolliJeep's Graveyard

Image
Ngayon ko lang nalaman na meron din palang night shift ang mga tindera ng JolliJeeps.... Ang lakas kasi ng boses nung tindera kanina habang nagrereklamo dun sa kapwa niya tindera at nagsasabing "syet naytsheep na naman ako!"... Sayang nga e, di ko man lang naitanong kung meron silang night differential...

The Heat is On

Image
Ibang-iba ang init ng panahon ngayon.. napakainit ng biyahe kaya parang piniprito ang betlog ko sa upuan ng motor ko kapag papasok ako sa opisina... buti na lang malamig na sa gabi kapag uwian na...   Kahapon ng practice run ako sa Amoranto Sports Complex ng mga alas singko ng hapon.. konting ikot pa lang sa stadium pawis na pawis na agad ang kili-kilil ko dahil sa sobrang init... pero mas masarap na agad tumakbo dahil hindi mo na kailangang mag warm up kasi warm and humid na talaga ang panahon.. ha ha ha.. may advantage and disadvantage talaga ang buhay ng tao.   Sarap ng takbo ko kahapon dahil sa madaming dahilan.. masaya tumakbo kapag ganun.. kung ano man ang dahilang yun tanging ako lang ang nakakaalam.     Parang ang sarap talagang mag swimming..  Makapagyaya nga bukas para medyo malamigan ng kaunti ang pakiramdam...    

Good Luck Old Friends

Image
There are places I remember All my life though some have changed Some forever not for better Some have gone and some remain     Change   Totoo naman talagang the only thing constant in life is change... kaka-resign pa lang ng isa sa mga ka-tropa namin nung Biyernes tapos ngayon nabalitaan ko na merong dalawa na  nag-resign na naman.... ganun talaga ang buhay ng namamasukan lalo na kung nakakakita sila ng mas magandang  kinabukasan sa ibang pamamaraan.   Weird Post   Akala ko joke lang ang post sa FB ng isa sa friends naming ito.. Last GY shift nya na daw kasi anya... pero medyo weird para sa akin ang post na yun dahil hindi naman mahilig mag post ng mga senti-mode sya sa FB.  Surprisingly, tama ang akign hinala pagkatapos ko silang makausap kanina..  Both of them have their own reasons... reasons which i knew and i told them that it was indeed a great move and that they wont regret it for the rest of their lives.    My Prayers   Hanga ako sa inyo mga giliw kong kaibigan.

Tortang Talong

Image
Tortang talong ang ulam ko kanina para sa akign pananghalian... Bukod sa masarap at masustansiya ito, ito lang ang kakasya sa kakarampot kong budget sa mga oras na ito... May extrang pera dapat ako para makapag-pamasahe (body masssage) noong nakararaang araw pero nawala pa kasi may humingi ng tulong na kabarangay; pero okay lang hindi naman ako nagrereklamo mabuti na yung ikaw ang tumutulong kaysa iakaw ang tinutulungan... Haaay ganun talaga....   Dear God,   Tungan mo naman ako ngayon.. tatapatin ko na po kayo;250 php na lang po laman ng wallet ko.. todo na ito...wala na pop akong makitang nakatago sa mga secret pockets.. Sana po ay may parating na grasya (nararamdaman ko meron) sa mga susunod na araw para naman makakilos ako ng mas maluwang, hirap po din kasi ng walang datung...   Sensya na po kayo saking God super said kasi talaga ako ngayon...   Salamat po....God Bless (ooops sorry.. kayo nga po pala si God).   Nagmamahal, Topey

Guryon

Image
Ano ang probability na makakakita ka ng guryon sa Metro Manila ng alas-sais (6am) ng umaga? Tingin ko less napakababa...   Sa daan ko papunta sa opisina ngayong umaga, nakakita ako ng guryon na mapayapang lumilipad sa himpapawid  along Araneta Avenue... Nagpagasolina kasi ako sa isang Shell station at habang kasalukuyan akong nakasimangot dahil sa bwakananginang mahal ng presyo ng gasolina ay napatingin ako sa langit at aking nasulyapan ang isang dekolor na guryon.    Naalala ko tuloy nung bata pa kami nila kuya Reinier na naglalaro kami ng sarangola lalo ka kapag usung-uso ito sa buwan ng Oktubre kapag papalapit na ang undas.  Nung panahon kasing yun medyo maluwag pa ang area namin dahil hindi pa sobrang dami ang mga kable sa mga poste... of course wala pa kasing cable at internet nun.. kung may telepono man konti lang ang mga kabahayan na may telepono.... Haayyy... ang tagal na pala ng mga panahong iyon!   Ang buhay parang guryon.... may panahon na lilipad ka  ng sobrang taas

(We) will go to Canada

Dati nag post ako sa Facebook na pupunta ako sa Canada.. madami ang nagtanong... madami ang nagusisa.. heto masasabi ko.. pupunta talaga ako dun.... Maaring hindi ngayon, hindi bukas at hindi sa makalawa pero sigurado ako pupunta ako dun... just wait and see... lol...

Defy the Law of Averages

Nasubukan mo na ba na magisa sa sarilli mong mantika? ganun daw yung law of averages a sinasabi nila.... usapang statistics.... usapang attainable, probability at yung ng ang law of averages.. simple lang daw kasi yun hindi naman da araw-araw ka lugmok darating din ang araw na giginhawa ka.... ang  tanong kailan pa kaya yun? eh parang kaw lang ang gumiginhawa eh...   Litanya ng isang manager ang Law of Averages na yan.. kapag natatanong sya na parang hindi fair ang pamamalakad sa matikas nilang kumpanay sa CAINTA...  ganun daw talaga.. kung kinaya daw ng iba dapat kayanin ng lahat.. parang si Jordan sabi ng kumpare ko.. kinaya niya na maka-anim na NBA Championship kaya ang pagkaintndi ng tagapagsiyasat na yun ay dapat anim din na championship ang dapat gawin ng lahat.. Hindi niya ba alam ang ibig sabihin ng salitang top speed... magkaiba po yun sir sa average speed.. kamote...      

Basketball Superstars

Galing ako sa Munoz kanina.. nag-jeep lang ako para maiba naman... sumakay sa del Pilar Street ang tatlong binatilyo.. sabi nung isa "pugo saking yung sumabay kanina! sabay-kasi ng sabay yun nilusutan ko sabay ni-riverse dunk ko!"  Napatingin bigla ako... akala ko kasi may nakasabay akong PBA basketball superstar... Pero ang nakita ko ay isang nerd-looking na binatilyo..muntik na akong magtanong kung saan nya nabili ang leeping ability nya at bibili ako ng dalawa.... nagtaka kasi ako nung una kung papaano sya nakakapag reverse dunk sa itsura nyang yun... Buti na lang nagsalita yung isa nyang kasama... "medyo mahal nga lang ang per-hour dun sa computer shop na yun wala pang aircon!".... Haaayyy....Thank God ibinigay mo agad ang sagot sa aking katanungan....

Just the Way You Are

Image
When I see your face There's not a thing that I would change Cause you're amazing Just the way you are Sarap isipin na may mga bagay na hindi nagbabago.... mga bagay at tao na nananatiling classic sa ating mga paningin kahit ano pa ang mangyari.  Sila ang mga taong na tunay naman talagang amazing.... malufet.... superb! stunning! Kaya dapat sa mga taong ganito ay huiwag magbabago sapagkat sila ay nagbibigay ng liwanag sa mga nakakakilala sa kanila kahit na medyo nakakapagahinto ng oras at inog ng mundo an presence nila.. Please don't change.....your so amazing just the way you are!

Tokwa't Baboy

Dalawang araw na akong naguulam ng tokwa't baboy... nabibilli ko dun sa JolliJeep.... na-discover ko kasi na masarap ang timpla nung nagluluto.. parang may kapangyarihan yung nagluluto... isa lang ang kulang... kulang sa anghang... masarap kasi tsumibog kapag spicy....lahat yata ng pagkain masarap (minsan) kapag maanghang... Kapag maanghang kasi napapalakas ang kain mo... napapadalas ang sigaw mo ng:   EXTRA RICE PLEASE!

The Difficulty Index

Ito ay isang urban legend din.... parang salary increase.... wala pang taong kayang makaintindi nito.... napakadaming taon na ang lumipas at sinubukang ipaliwanag ito hanggang sa abot ng kanilang makakaya subalit walang nagtagumpay... yung iba nga nasa AMERIKA na..    Sa ngayon hindi pa ipinapanganak ang tao na mage-explain nito ng maayos....maraming susubok pero walang magtatagumpay.     

I'll See You in KORT!!!

Ito ay isang unconfirmed, unverified report... but from a very credible insider..   Idedemanda daw diumano ang mga taong umalis sa kumpanya- sila yung mga nag-resign at umalis na dun sa kumpanyang yun sa NAVOTAS dahil sa sobrang baba daw ng sweldo.. sinabi daw ito nung kamoteng may-ari sa isang handaan na orihinal na inihanda bilang selebrasyon para sa mga empleyadong nagdiriwang ng kanilang mga kaarawan...   pinakain muna   Pero bago naman daw sinabi ng magaling na CEO ang mga salitang yun ay pinakain muna sila ng mga masasarap--- ito daw ay para makain naman nila ang mga salitang kanyang bibitawan sa pagsagot niya sa mga katanungan na inipapipililt sa kanilang itanong... NO CHOICE.....   zipper sa balat   Ganun daw talaga ang CEO na yun... clue... kalahi siya ng mga boksingerong pinabagsak at pinatulog ni Manny Pacquiao..  iba nga daw talaga ang karakas ng gagong iyon.. meron daw kasi itong zipper sa balat. Napakakuknat daw ng CEO na ito.. makunat pa sa tsinelas at sa sin

Can't Buy Me Sleep

Hindi ako nakatulog masyado kagabi-parang ang taas pa ng energy ko sa dahilang hindi ko alam... it seems that exessive adrenalin was pumping into my system kagabi kaya gising na gising ang diwa ko...   Pinatripan ko na lang basahin yung mga lumang magazine sa haybol lalu na yung mga running magazine na pinipilit akong ini-encourage na magpatuloy sa pagtakbo at bumilli ng mga mamahaling kagamitan para mapabilis ang pagtakbo.. tsk tsk tsk.. minsan iniisip ko na parang inuuto lang nila ako.... hmp!  kahit wala naman ang mga magazine na yun tatakbo pa rin ako... lol  

Revenged of the Fallen

Second game kanina ng basketball team ng NB team dun sa ongoign basketall liga ng SAPV TODA.  Napahiya kami nung last Sunday sa opening game namin kaya hindi namin hinayaang makatakas ang laro kaninang alas-10 ng umaga.   Bakbakan ang laro sa simula pa lang kaya mataas agad ang intensity, buti na lang maganda yata ng gising ng mga teammates ko kaya di kami masyadong tumukod unlike nung laro namin nung Linggo.  panalo kami by 5 points... Sa mga panahong ito masakit pa din ang katawan ko... ha ha ha... nakabawi din kami! 

It's not just music.. it's Acoustic Music

Image
"I don't believe in magic but I do believe in you... And when you say you believe in me there's so much magic I can do"     Mula sa awitign Birthday Song ang nakalimbag sa itaas.  Kapag wala akong magawa masyado dito sa bahay at hindi masyadong busy sa mga lakad isa lang ang aking pinaglililbangan... ang aking lumang classic guitar.    gitara circa 2003 Nabili ko ang gitarang ito nung 2003 sa Raon, Maynila.. Bargain na bargain ang pagkakabili ko dito kaya nugn nakita ko at nakilatis ang kalidad ay hindi na ako nagdalawang isip na ito ay bayaran.    My third Guitar Ang gitarang aking nabanggit ay ang ikatlong gitara ko sa buhay kong ito. Yung una ay nabili ko lang sa kapitbahay (ito yung nadadala ko nung high school ako) pero  hiniram ng kaibigan ng kuya at hindi na isinauli... Yung ikalawang gitara ko naman ay isang steel guitar (college time) din na nabili ko sa Sta. Mesa-may pick up ito kaya cool pwedeng ikabit sa amplifier tapos pwede ka nang kumanta ng p

And i Love You So

"I guess they understand How lonely life has been. But life began again The day you took my hand"   Ang nasa itaas ay hango sa isa sa mga pinakamagandang awitign ni Don mc Lean.  Minsan sa buhay ng tao hindi kayo maiintindihan ng kapwa nyo dahil iba ang nakikita nila kaysa sa iyong nararamdaman.  Kahit ang mga puso na dati'y walagn buhay minsa nakakita ng liwanag at muling nagkakabuhay dahil sa tunay nitong minamahal.    Totoo ang kasabihan na "Life is journey".  Iba-iba ang landas ng ating tinatahak sa mundong ito sapagkat tayo ay magkakaiba at tayo ay mga indibidwal na may sariling isip at damdamin.  Subalit may mga pagkakataon na ang bawat isa ay pinagbubuklod ng panahon sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan..  sa mga panahong akala mo ay hindi na maari at sa mga pagkakataong panahon lamang ang makakapagsabi.   Life is a gamble... yun ang sabi  ng iba... di mo talaga kung mananalo ka o hindi.. pusta pusta minsan.. ang mahalaga sumubok ka sa gusto mo.

Multipurpose Blessing and Induction of GINA officers

Image
Nung Saturday ang formal opening ng multipurpose hall sa Guerrero Street...Proyekto ito ni Cong Vincent Crisologo sa pakikipagugnayan ng Barangay San Antonio Council sa pangunguna ni Capt. Nestor Berroya.. The Multipurpose Marker During my welcome address GINA President Rolando Suzon Inspirational Message Councilor Anthony Crisologo Cong. Vincent Crisologo Ribbon Cutting Induction of new GINA officers

Noel et al @ Cabalen

Image
Nagkita-kita kami kanina sa opisina tapos nagpunta kami sa Greenbelt via the electric jeepney..tapos tsumibog ng walang kasing sarap sa Cabalen dun sa Greenbelt.. nalulungkot kasi kami.. aalis na si Noel, ang founder ng edata...tsk tsk tsk Kasama ko si George.. nag MRT kami via GMA Kamuning @ MRT Buendia Avenue...Kinunan ko ng picture si George dito pero sinita ako ng guard bawal daw kasi ang picture taking dun.. nag sorry na lang ako...  sa almost 8 years ko kasing pagsakay sa MRT hindi ko alam na bawal ang camera sa loob....napakadami kasing pelikula at commercial na nakuha na dito.. pero tinanong ko sa guard kung banyaga ba ang kukuha ng picture ay bawal din.. sabi nya opo...kaya for the benefit of the doubt.. naniwala naman ako... What a coincidence??? pinagbawalan din kami ng guard dito para makakuha ng pictures... Kapag nakaharap daw sa RCBC bawal pero kapag nakatalikod pwede kaya hayun tumalikod na lang kami. Waiting kami dun sa libreng sakay sa electric je

Kainan Session

Punta ako sa office ngayon sa Makati.. isasama ko ang anak kong si George... may kainan at bonding session kasi ang mga thunders ng edata... last week na kasi sa work ngayon ng isa sa mga pinakamagaling na medical editor sa bansa, si pareng Noel.... Afer almost 8 years sa kumpanya ay napagisip-sip na ni Noel na tama na... congrats sa iyo kaibigan.. laya ka  na.... wag mo namang kakalimutang bisitahin ang mga ka-kosa mo dito sa oblo... Kita-kits na lang mamaya.. friends....

I am a 3-point King!.. almost....

Opening kahapon ng basketlball sportfest ng San Antonio Parkway Village Tricycle Operator and Driver's Association (SAPV TODA). Kasali kami sa barangay as guest team kaya syempre kasali din ako kakampi ko ang mge empleyado ng barangay.  Hindi na nga ako nakasama sa parada, puyat kasi maraming inasikaso kayo dun na ako sa opening program sa covered court nakapunta... First game kami kahapon, pero bago magsimula ang laro may  3-point shootout muna mula kay konsehal Onyx Crisologo.  Third place lang ako kaya mas konting premyong nakuha.... After the 3-point shootout nagsimula na ang game... Good start ang team ng barangay from the opening tip up to the last 2 minutes of the game pero dahil walang ensayo ang karamihan sa aming koponan ayun tumukod halos lahat inabutan kami 60 seconds before the regualation period.  Ang resulta.... TALO...

Your Name.... On My Phone...

Daang-daang pangalan ng mga tao ang nasa phonebook ko, mga kaibigan, kamag-anak, kapamilya, kasama sa trabaho, dating kamag-aral, kasamahan sa pulitika, at iba pa... Bakit may mga pangalan ng tao na nagpapasaya sa iyo kapag nakiita mo name nila sa phone mo kapag sila ay nagtetext ka or tumatawa...   Isn't that magic?  

Complacent and Complacency

The workforce was advised that they don't want to promote complacency…   Yes it's accurate…   Since their salaries remain complacent...   What a company….

Umaaraw Umuulan...

Kanina pa umaambon... mahinang-mahina lang ang patak pero tuluy-tuloy.. Parang nagsasabi ang panahon na "Magpatuloy lang kayo sa ano mang inyong ginagawa at ako nang bahala sa pagdidilig at pagpapalamig ng kapaligiran...Wag kayong magalala, sagot ko kayo ngyong umaga!" Cool!   Medyo nabasa ang bumbunan ko kaninang umaga lalo na nung patungo ako dun sa Jolli Jeep.  Kaya para hindi naman masyadong mabasa  ng patak ng ulan ay bahagya akong tumakbo.  Dahil dito, nagkaroon ako ng 5 minute run na hindi inaasahan kaya mas healthy ako ngayon ng 5 minutes...   Ito ay dahil sa ulan... salamat sayo! Idol kita!    

Araw ng Kagitingan

Image
Aking Adhiika...Makita kang sakdal laya....   Ngayon ay Ika-9 ng Abril, 2011. Ginugunita ngayon ng buong bansa (at buong mundo) ang anibersaryo ng Araw ng Kagitingan bilang pagalaala sa mga dakilang sundalong Pilipino (at Amerikano na rin) na lumaban ng buong kagitingan nuong ilalawang digmaang pandaidig sa Penisula ng Bataan, sa pamumuno ni Major General Edward King laban sa Japanese Imperial Army.   Feel the History   Nakabisita na ako ng ilang beses sa Mt. Samat sa Bataan at sa Corregidor Islang mga sampung taon na ang nakalilipas. Duon naramdaman ko ang pait at tamis ng kasaysayan ng ating bansa nuong digmaan; hanga ako sa mga sundalong nakipaglaban sa digmaan yun na sa kabila ng pakikipagdigma sa mas malakas na pwersa ng bansang Hapon ay hindi nagdalawang isip na ialay ang kanilang mga buhay para sa inang bayan.   My Grandfather was a WWII Veteran:   Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang aking lolo, Francisco Angad, ay isang beterano nuong ikalawang digmaang pandaigdig

“You know, I talk in English because my Filipino is not good.”

Narinig ko sa elevator kanina nung sinabi nung isang babae sa kanyang kausap na lalaki:   "You know, I talk in English because my Filipino is not good."   Pucha ang arte mo naman!  sa loob ng call center company mo mag-english ka.. pero sa labas.. alam mo na dapat mong gawin!   Kunwari ka pang bwakanangina ka! may ganun ka pang pa-cute kang hayup ka!  Yung slang ni inday pilit na pilit pero ariba pa din ng ariba sa pagsasalita ng wikang kupal... ha ha ha...   Muntik ko nang iuntog sa pinto ng elevator ang babae eh.... buti na lang tapos na ako kumain kanina kundi may tama talaga sakin ang mokong na yun eh!    

Club Manila East (CIRCA 2006)

Image
 Natagpuan namin ni Noel sa aming mga email ang ilan sa mga lumang larawan namin..... Heto ang ilan... kuha ang mga ito during eData's company outing sa Club Manila East...2006 yata ito.. parang kailan lang.... Si Raul nung time na seksi pa sya.. si Richard din.. hanggang ngayon seksi pa rin si chard Doc Bench, Elena and Badet; payat pa si Badet dito.. .hindi nya pa maiwasan ang shabu ng panahong iyon Mga bata pa kami nun... ngayon bata pa din..  eto yug mga time na kaputukan pa ni Ruby.. si Lei nasa Edata pa din... nagpuslit pa si Lei ng alak papasok sa Club Manial East.. ang tanong kung saan niya ito inipit... hmnnn Si Eduard nga pala kasalukuyang minamanyak nya pa ang mga baguhan sa edata ng mga panohong ito ..                 Uso pa ang gitara nung mga panahong iyon.. Si Bamaski adik pa rin dati... Hindi pa naiimbento ang katagang "extra rice" Nanalo Doc Bench sa raffle dito.... kaloob ng Boss.. tsk tsk tsk