What a different atmosphere...

Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw iba ang kilos ng mga tao sa opisina....tahimik at parang palagiang may dumadaang mga anghel...
 
Parang upbeat ang mga tao ngayon... parang naririnig ko nga yung kantang Supersonics (jayjayfad) eh dito sa production area....lahat animo's parang nagpapakitang gilas... tapos parang suddenly naging workaholic ang madlang pipol... puro tunog lang ng keyboards ng mga hindi touch typist tulad ko ang iyong maririnig na parang nagsasabing "hey wanna dance with the music"... wtf?
 
May kinalaman kaya ang pagdating ng malufet na CEO ng kumpanya mula sa Estados Unidos? di naman siguro...pero pwede din.  marahil...kasi papasok pa lang si bossing naririnig ko na yung malakas na tawa nya na parang nagsasabing HO HO HO NANDITO AKO!  pero in fairness mas maganda naman ang tawa nya kaysa sa tawa ni Dick Israel sa mga pelikula nya!
 
Makahingi nga ng libreng movie pass!!!
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...