Lion Katol

Heto..kasabay din ito sa pagka-LSS ko dun sa seiko seiko wallet... ang walang kupas na Lion katol...
 
Hindi ko na sya napapanood ngayon sa TV sa mga patalastas... dati kasi madalas ito ipalabas sa commercial ng mga championship boxing match (syempre every sunday Manila Time)... Siguro hindi na nila kayang makipagsabayan ng airtime sa mga patalastas ngayon... dati every round breaks hindi sila  nawawala kasama din yung commercial ng BEAM toothpaste...
 
Dati natatandaan ko nabasa ko sa diyaryo na may taong naaresto ng mga pulis dahil sa pagnanakaw napakaraming box ng Lion Katol... hindi ko na matandaan kung kalan yun... biruin mo makululong ka dahil sa katol.... ha ha ha.. parang tanga lang... kung sabagay may mga kakilala akong katol ang tinitira kaya minsan mukha na ring lamok tapos iba ang trip! ha ha ha!
 
Super Classic kasi talaga yung Caucasian na nagsasalita sa Lion katol commercial.. parang si Indiano Jones ang costume! tapos malufet din ang background music....at syempre ang legendary script ng patalastas na ito..."LAYON KATOL... LAWMOWK SHIGURADONG TEYPOK"  
 
Para sakin isa ito sa mga low quality pero memorable na TV commercial of all time... ano tawag kapag lagi mo naiisip yung isang palabas... malamang hindi LSS...
 
sige pagtripan natin ang TV AD na ito sa mga susunod pang henerasyon!
 
whewww!
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...