Gagaling
This is from my Facebook note dated September 8, 2009 http://www.facebook.com/home.php#!/note.php?note_id=128604854463
Sakit ng kalamnan, ubo, sipon, panghihina, kawalan ng gana sa pagkain at marami pang iba.....
Ilan po lamang yan sa aking naramdaman nitong mga nagdaang araw....nagsimulang mag rally sa katawan ko ang mga nasabing sintomas nun miyerkules ng gabi habang nandito pa ako sa opisina...masuwerte na lang din at nakapag-drive pa ako pauwi ng aming tahanan duon sa Lungsod Quezon... salamat sa panginoon....
Swine-Flu (AH1N1)
Bilang isang low-ranking local government unit official, isa sa mga responsibilidad ko na maging isang huwaran hindi lamang sa mga nasasakupan kundi sa mas maraming tao....nais ko po sana pumasok sa trabaho nung Huwebes pero dahil akala ko Swine Flu nga ang tumama sa akin ay mas minabuti ko nang magkulong sa aking silid sa posibilidad na baka ako makahawa....
Dengue Fever
Isa pa ito sa mga nagpa-paranoid sa paranoid ko nang pagiisip....on and off kasi ang lagnat ko.. alam mo na... kapag may karamdaman ka... kung anu-ano ang naiisip mo....
Acute tonsilopharyngitis lang pala!!!
Iyan ang diagnosis sa akin ng maganda kong duktor sa Medical City.. kahit medyo may kahirapan sa ispelling, okay lang, maganda naman makinggan.. di katulad ng dengue o swine flu...
Sige nga mamili ka nga dito sa tatlo... kung halimbawa nasa elementary ka ngayon at tuksuhan time na.. ano ang gusto mong itawag sayo....
A) ngye!ngye!ngye!ngye!ngye! si chris may dengue..
B) ngye!ngye!ngye!ngye!ngye! si chris may swine flu..
C) ngye!ngye!ngye!ngye!ngye! si chris may Acute tonsilopharyngitis
Well... san ka pa.. dun ka na lang sa huli.. o di ba.... aminin......
Naalala ko tuloy mga tropa ko nung nasa high school pa ako...kung anong taon yun.. wag mo nang itanong... baka sapakin lang kita sa ilong... joke lang..
Halos lahat kasi ng classmates namin nun ay binibinyagan namin ng kani-kanilang mga code name.. code name para kapag pinag uusapan namin sila hindi halata... call signs kung baga kung ihahambing sa militar....merong babsky dahil sa haba ng mukha, merong lotski dahil sa kulot na buhok, meron chupachups dahil bading at marami pang iba.. pero isipin mo na lang kung ano ang itsura nung batchmate namin babae na ang bansag ay GODZILLA...good luck na lang sayo brader...
Tagal na rin nung mga panahonh yun.. piso lang kasi ang minimim na pamasahe nun sa jeep e...pero kadalasan nakakalibre kami kasi sabay-sbay kami sumasakay ng jeep, kapag sabit libre kasi mahirap dumukot ng barya na nakaipit sa brief na pawis lalu na kapag umaandar ang jeepney... yan daw kasi ang kinamatay ni ben tisoy.....para!!!!
Martial Law Baby!!
Opo.... sa ayaw o sa gusto ko..isa po akong martial law baby...katulad mo na nagbabasa nito..kapal mo..aminin mo... impostor.....basta pinanganak ka between 1972 hangang 1981.. martial law baby ka.....wala namang special discount ang mga martial law babies.. kasi hindi pa naman kami namamasahe nun... hindi pa umininom ng alak... hindi pa naninigarilyo....syempre baby nga... hello.....wake up.....
walang pang mga high tech na mga bagay daw nung mga panahon na yun... wala pang dvd, mp3, ipod, XBOX 360, MRT, LRT, lap tap (sa movies yata meron na) at marami pang iba....
ATARI.....
Yan ang patok nung mga panahon na yun.. kaya kapag meron ka nito....huh... diyos ka sa mga kababata mo....
Merong atari ang pinsan ko nun.... Joy stick pa ang tawag dun sa pang control....malaking pamilya kami, isa ako sa mga bata sa mag-pipinsan.. kaya kahit apat na kilometro ang hintayin ko ay maghihintay ako para lang madama ang sarap sa paglalaro ng ATARI!!!
Malulupit ang mga games nun..yung graphics hindi masyadong impressive.. mas magaling pa nga yata mag drawing yung pamangkin kong grade 3 ngayon kung ihahambing sa mga creator ng mga ATARI games dati... pero dahil early 80s nun..... thats the best!!!! kaputukan pa nun ni MJ....
Heto ang mga games sa atari nun..
pacman----madali lang laruin.. hindi mo na kailangan yung red button...basta mabilis ang pag iwas mo sa mga ghooostt....
Asteroids:
isang jurazik na spaceship... na kailangang magmeneuver upang makakuka ng maraming points.... the more asteroids you make pasabog.. the more chances of winning.....feeling ko dito binase yung pelikula ni tom hanks... tanga!!! hindi forest gump!!!!
space invaders
early version ito nung galaga... mas bobo yung mga alien ships kasi ang bagal gumalaw....
HMnnnnn... ano pa ba.............
Ahhahhh.... meron ka bang GAME AND WATCH nun??? well, well, well dahil galante si ama. meron ako...at hindi lang isa kundi dalawa!!!! Game and watch yata ang maihahambing natin sa PSP sa panahong ito.. meron akong popeye at octupus....lupit nun.. meron ka nang game pwede pang relo...lupit talaga....
999
Nine hundred ninety nine lang ang top score sa game and watch nun.... walang umaabot sa 1,000.. kasi after ng 999 back to zero ulit.. kaya kapag galit ako sa kuya ko nun dahil hindi ako sinali sa tumbang preso.. tinatangal ko yung batirya ng game and watch nya e.. para back to zero ulit... he he he .. akala mo huh....
Meron nga ring mga negosyante na pinapaarkila ang mga game and watch nila.. bentang benta ito lalo na dun sa labas ng iskul namin...pero mas mabenta pa rin ang gagamba at yung bunutan ng itik...(nilulubog sa tubig yung raffle ticket)...pag di mo gets..malamang hindi ka sa public school nag-aral....sorry na lang...
Nung bandang grade 4 ako...lumanding na sa Pilipinas ang imbensyon ng mga sakang......ang Nintendo
Up-Up-down-down-left-right-left-right-B-A-SELECT-START-
Kung alam mo ang halaga magic combination na nabangit ko sa itaas... well lets contra......go rambo...go comando.....
kung hindi mo alam... tanong mo na lang sa kuya mo.....
e yung HUNDREDLIVES....????kung alam mo yan..congrats... pero kung kaya mo yan gawin.. well...give me a hug coz were on the same chanel...
Simple lang ang buhay ko nun.. laro sa kalye... akyat sa puno, laro ulit sa kalye... hagis sa tsinelas, hagis ng bola, pukol sa lata, hagis sa teks, tira sa jolens, tago sa poste, tago sa kanal, maging patotot, maging burot sa laro, maging panalo sa laro, maging talo sa laro, umiyak dahil dinaya, nagpaiyak dahil nandaya, magsumbong sa nanay ng kalaro, maisumbong sa nanay ko ng aking kalaro, madapa, mapilayan, magalusan, masugatan, mag-agawang base, mag chinese garter, mag pikapistiks, mag patintero, mag bahay-bahayan....(ULUL alam ko iniisip mo.. akala mo bading ako noh)...lahat yan naranasan ko.....sayang childhood... haaayyyy......
I.... love you.. telefon-telefon...dina bonebi,..isnuki..sharon..sharon.. lab.... gabby.....
monkey-monkey-anabel...how many d monkey did yusi....enarikitikitik and a blu black ship and out you go.. ispel yes...Y-E-S....ispel no--- N-O..ales.....
Langit..lupa.. impyerno...im---im--- impyerno....saksak puso--- tulo ang dugo...patay..buhay... ales....
Meron pa yung asawa ni marie.. baka lang magalit ang MTRCB
Kung sino man ang nakaiisip, nagsulat, at gumawa ng mga himig na yan...
para sa akin National Artist ka!!!!!!
chris 2009

Comments