Long Time No See

1998
Papunta ako sa Maynila, patungo sa isang affiliated clinic nung ako'y isang PT intern pa... Maaga pa, mga 7:30 pa lang.  Sumakay ako ng jeepney.  Bahagyang inaantok pa ako kaya sa may gawing Frisco pa lang ay pumwesto na ako sa bahagyang likuran ng driver...
 
Maya-maya lang ay may sumakay sa jeepney ang isang dalaga, mayumi at sadyang maganda... Pagpanaog pa lang niya ng jeepney ay napatingin na sa kanya ang dalawang mama na nakaupo sa may bandang hulihan, marahil dahil sa taglay nyang ganda.. Umupo sa tapat ko ang dalaga...Ako ay napangiti sa aking kinauupuan, nagisip kung ano ang sasabihin sa dalaga... ako'y nahiya, natakot at biglang kinabahan...Nagkasalubong ang aming paningin....Nagkangitian kaming dalawa... Natulala ako at namutla sa naramdamang kaba...
 
"Uy George ikaw pala! Kamusta ka na?" tanong sa akin ng magandang dalaga...
 
Itutuloy...
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...