What a busy day! (February 18, 2011/ Friday)

Napaka busy ko kahapon… Absent nga ako sa office para maasikaso ang maraming mga bagay…Umaga pa lang bangon na agad ako…

 

First stop: Health center

May inquiry lang ako kay Dr. Grace dito... Nakita ko na toxic ang lahat pati ang mga nurse at mga barangay healthworkers.. Daming batang may sakit… dala siguro ng papalit-palit ng lagay ng panahon…

 

Second stop: Quezon City Hall

After 20 minutes (approximately), nakarating kami sa Quezon City Hall.. tambay muna ako sa office ng isang city councilor… at presto may libreng kape! he he he….salamat kay Che for the much needed assistance. 

 

Third Stop:  NBI

Wala namang kaso kaya mabilis lang… madami pa ring tao.. di ko alam kung sinu-sino dun ang criminal na trying to get his NBI clearance… Wala akong abu sayaff na nakita...

 

Fourth stop:  City health office:

Dito kami natagalan… medyo madaming kailangang kakusapin at pilahan…. Madaming tao… madami ding nakagat…. Ng aso…

 

Fifth stop:  Relay for Life:

Heto ang gusto ko…. May relay walking/running even sa Quezon City Memorial Circle… It was a running event organized by the Philippine Cancer Society in cooperation with the Quezon City Government.  Buti na lang may nakita akong kakilala from the vice mayor's office at nakakuha ng libreng t shirt.. ganda nga e… meron pang fight cancer na logo sa likod…. Kaya yun naglakad ako ng ilang rounds sa QC circle kahit nakapantalalon ako…

 

Runnex

Nakita ko nga pala yung tambayan ng Runnex (running group) malapit dun sa QC monument…

 

Yun lang….

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...