ang pagbabalik ni noel

Tinawagan ako ni Monet kagabi... nagiimbita kasi dumating na daw ang isa sa mga tropa namin.. si Karen.. joke lang... si Noel...

Ewan ko kung bakit bumalik na agad si noel mula sa kaharian ng Dubai, parang 3 months pa lang nung sya'y umalis.. di na ako masyadong nagtanong.... pero para sakin ang mahalaga safe sya na nakauwi dito sa bayan nyang sinilangan..

Sa FJ's kami nagkita-kita.... at dahil kakalabas ko lang sa ospital hindi ako nakipagsabayan ng inuman ng beer sa kanila.. Redwine ang binira ko.. nakakalasing din pala yun....

Pero kahit madaming masasarap na pulutan, nilagang itlog ang pinulutan ko...Opo mga giliw kong fans.. itlog... nilagang itlog...

Muntik na namang mawalan ng trabaho yung gitarista ng maagawan ko sya ng eksena sa kanyang pangalawang set.. ha ha ha..

Comments

Anonymous said…
bakit parang may kulang sa mga naganap dito?? hayyy naku, di kumpleto report mo sa mga fans mo huh!!
ahhmm.... bakit naman kulang? ano pa ba ang nakalimutan kong idagdag?

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...