25th Anniversary of EDSA Revolution
Sa araw na ito ay ipinagdiriwan natin ang ika-25 anibersaryo ng mapayapang rebolusyon sa EDSA nung 1986. Bilang pagbabalik tanaw, nais ko sanang ibahagi ang aking naaalala sa makasaysayang araw na ito bilang isang BATA at higit sa lahat bilang isang PILIPINO..
Nawa'y ito ay magdulot ng tunay na pagbabago ng bansa, sa lahat ng institusyon at higit sa lahat sa puso ng bawat isang Pilipino.
1986
Grade 3 pa lang ako ng makasaysayang Pebrerong ito sa ating bansa.. Nakuwento ko na ito ng madaming beses pero ikukuwento ko pa rin.. blog ka ito.. wala kang magagawa..
Esteban Abada Elementary School
Kakatpos pa lang ng klase namin nuon, pang-umaga ang schedule namin nung grade 3... Naglalaro kami nun ng "agawang base"..Ilan sa mga natatandaan kong kasama nun ay sina ariel guttierez, belvedere mata, Leonito Villar, Christopher Tesoro, Roberto Padua at marami pang iba pa.. si Ruffy Lapizar hindi kasali (self explanatory) musta Ruffy...
Tora-tora
Sa kasarapan ng aming paglalaro habang naglilimahid sa dumi at init ng araw, dumaan sa himpapawid ang ilang eroplano ng AFP... may maliliitt.. pero mas natatandaan ko yung malalaki.. tora-tora daw kasi ang tawag dun...tuwang-tuwa pa nga kami dahil tulad ng ibang bata hindi ka naman makakakita ng ganung karaming eroplano na lumilipad ng sabay-sabay... Pagkaraka'y ipinagpatuloy namin ang aming paghahabulan sa malawak na field ng aming paaralan.
Sounding of the bell
Pagkalipas pa ng ilang minuto ay narinig namin ang pagbatingaw ng malakas ng Punong Guro (principal) sa lumang bell na nakalagay malapit sa llibrary (lumang bell na ito) kaya Bago-Bantay Elementary School pa ang nakalagay...
The announcement
Dun na sinabi ng malakas ng principal na magsipaguwi na kami dahil may nagaganap na rebolusyon sa EDSA.... Maghintay na lang daw sa announcement sa mga TV kung kailan kami babalik sa paaralan... yun na pala ang simula ng edsa revolt.
Yun na pala ang hudyat na nagsisimula na ang EDSA Revolution...
No TV signal
Paguwi ko, natatandaan ko pa na walang signal ang TV naming black and white.. di ko alam nun kung dahil iyon sa nakakabit na tinidor sa likod ng TV para makakuha ng mas malinaw na signal..pero napagtanto ko na ngayon na rebolusyon na pala ang naganap..
Ang aral at pananaw...
Bilang isang taxpayer, empleyado at isang lingkod bayan, alam ko na malayo na rin ang narating ng ating bayan. Hindi nga lang kasing layo ng mga karatig nating bansa dito sa Asya pero tiyak ako na malayo din.. Madami ang nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay para maisakatuparan ang kalayaan noon pa man ng panahon ng mga kastila, americano, hapon, at sa mga kasalukuyang panahon...
Ang bawat Pipino bagamat mahirap ay hindi dapat magpasupil sa kanino man, lalung-lalo na sa mga dayuhan maging ang mga dayuhang ito ay turista, negosyante o dayuhang pollitiko.. Ang ating bansa ngayon ay mayroon nang kasarinlan at ito ay dapat nating buong pusong dapat pakaingatan....
Kung kaya sa paglabas natin ngayon araw na ito, maging dilaw, pula, asul o ano man ang kulay na ating pinaniniwalaan, tandaan natin na tayong lahat ay mga Pilipino na dapat na panindigan nasaang sulok ka man ng mundo.. maging sa isip, sa salita at lalu na sa gawa....
Happy silver anniversary EDSA People Power Revolution!!!
Comments