Isn't that ironic!

Muntik na naman akong ma-late sa opisina ngayon... Nagtraffic kasi dun sa may intersection sa may Pandacan, Maynila..
 
At dahil ako'y nakamotorsiklo. sumingit-singit ako hanggang makarating sa unahan.. Nakita ko ang isang malaking truck ng langis ng Shell Philippines na diumano'y dahilan ng masikip na trapiko.. 
 
Ako'y nagusisa, nang tanungin ko ang isang traffic enforcer na naka uniporme kung bakit nakahinto ang nasabing truck, ang nakakatawang sagot nya sakin ay:
 
"Sir, naubusan ng gasolina! inutusan na po nung driver yung kanyang paynante!" 
 
Ayos!
 
Isn't that ironic!

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...