Only Time Will Tell

Paglipas ng napakadaming taon, halos dalawang dekada nang hindi sila nagkitang dalawa...
 
Naibigay ng isang "common friend" ang celphone number nya...Nabanggit at narining pa lang niya sa usapan ang pangalan ng kanyang iniirog ay umalingawngaw na ito ng paulit-ulit sa kanyang tenga..Natuwa siya sapagkat magkakaroon na muli sila ng komunikasyon..
 
Pinalipas muna nya ang dalawang araw.  Nag-ipon daw diumano ng tatag ng loob para makapagpadala ng text.  
 
Buong kaligayahan ang kanyang naramdaman pagkalipas ng ilang minuto sa nakasulat na tugon (reply) sa kanyang text na nagsasabing: "NAPANGITI NAMAN AKO NUNG NALAMAN KONG IKAW PALA!"

Comments

Anonymous said…
masarap naman talaga ang pakiramdam na malaman mong gusto pa rin makipag communicate nang taong mahal mo...

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...