Congratulations Richard Del Rosario and Dr. Clai Manangan

Malufet na pagbati ang ipinaaabot ko sa dalawa sa mga pinakamahuhusay na potograper ng bansang pilipinas, walang iba kundi Mr. Richard del Rosario at Dr. Clai Managan..
 
Sun Buffers
Ito ang title ng entry ni richard na nanalo sa RCBC photo contest 2011... Hindi ko alam kung paano  nya naisip na kunan ng litrato ang gilid na panels ng RCBC.... parang genius... pwede ding special child!  I therefore conclude na kapag humahaba ang biigote ay humuhusay din ang kakayanan sa larangan ng sining! nagpapahaba kasi si richard ng bigote malamang dahil sa pagkakapanalo nya dito hahaba na yun ng parang sa ermitanyo! sayang hindi daw sya naka-attend sa awardign ceremony..nagkasakit kasi...Di ko tuloy mapigilang tawagin syang Mr. Sun Buffer
 
 
Doc Clai
Hindi ko matandaan kung ano yung exact title nun photo entry ni Clai, mahaba kasi.. parang "Malufet na RCBC 10 years and beyond" ha ha ha.. nice try...kinunan naman ni doc clai yung mga pintong tanga dun sa Lung Center ng RCBC..opo may lung center ang RCBC.... tingin ko ginamitan nya ng divine intervention ang kuha nyan yun kasi nagmukhang pintuan ng isang simbahan ang mga pinto ng RCBC.. muntik na nga akong lumuhod ng nakita ko eh..
 
Kaya sa inyong dalawa, ito lang ang masasabi ko.... maglibre naman kayo... you two are 5,000-pesosesoses richer...Congrats!
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...