Pinigilang damdamin

Galing sila sa isang kasiyahan. Sabay sila sa paguwi...Pagtapos maglakad ng ilang minuto, sa isang convenience store sila ay nag-usap...

Siya'y nagsalita ng mataimtim, malumanmay at sinabi nya daw sa kanya ang lahat.. lahat... lahat daw ng kanyang nararamdaman at naiisip...

Nakinig daw siya sa kanyang mga sinabi....Subalit pinigilan daw niya diumano ang kanyang damdamin pagkatapos niyang marinig ang mga salita dahil yun daw ang nararapat.  Nais nya na daw bumigay at sabihin ang tunay na nararamdaman pero pinigilan niya pa rin ang kanyang damdamin....Nangibabaw daw ang bulong ng isip kaysa sa damdamin....

Nagsabay silang dalawa sa isang sasakyan pauwi... hindi niya napigilang malungkot, mag-isip, lumuha at umiyak... Napakatahimik, subalit sa likod ng katahimikan ay nagsusumigaw daw ang kanyang puso at napakabigat daw ng kanyang loob dahil pakiramdam niya daw ay mawawala na ng tuluyan ng tao daw na minahal niya sa loob ng madaming panahon at taon sa kanyang puso't isipan...

Comments

Anonymous said…
i love you!....

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...