diskriminasyon sa Mini Stop
Madami na akong narinig na kwento ng diskriminasyon.. karamihan mula sa mga OFW o mga Pilipinong namasyal at nanirahan sa ibang bansa....Pero para makakita at makaranas ng diskriminasyon dito sa Pilipinas ay isang bagay na hinding-hindi ko palalampasin....
Break time ko kanina kaya nagpunta kami dun sa Mini Stop... Nakapila ako sa counter para bayaran ang hopia at isang inumin na akong babanatan.. Pang-apat ako sa pila ng pumasok sa nasabing tindahan ang isang lalaki... maputi, medyo may balbas.. isang foreigner.... tingin ko hindi Amerikano, Canadian, Mexicano, Russian, Hapon or Intsik... mukhang Israeli...
Bigla na lang SUMIBGIT SA PILA ang punyetang FOREIGNER... Okay lang sana kung ang bibilin nya at gamot o kaya sinabi nya na mamamatay na asawa nya kaya kailangan nya nang umuwi o kaya dehydrated na siya kaya kailangan nya nang uminom ng tubig.. Eh hindi eh, cell card (call card) lang ang bibililn ng damuho... Ang siste, pinasingit ng punyetang kahera ang maputing lalaki.....
AYUN! Nakarining sakin ng salita ang kahera.... siguro hindi nya na yun uuliltin... sa nakita kong aral na iyon, parang lumuhod na naman ang mga ordinaryong pilipino sa mga mapangabusong dayuhan...
I have nothing against foreigners (English yun), okay namang maging hospitable sa mga bisitang dayuhan but not to the extent na aabahin mo na ang mga kababayan mong Pilipino... Alam ko ang nasa isip ng ilan sa mga makakabasa nito... na sana pinabayaan ko na tutal maliit na bagay lang naman.. pero kabayan maliit na bagay na sumasalamin sa higit na mas malaking mga isyu at mga bagay....halimbawa: pakikialam ng dayuhan sa isyung politikal ng bansa, pangaapi sa mga OFW, pangaabuso sa mga kababaihan sa ibang bansa (at kahit dito), hindi makatarunangan pangangalakal or negosyo ng mga dayuhan sa Pilipinas (EHEM!)...oo mayaman sila pero bastusan lang din naman ay bwakananginang nila kanila na pera nila!
Di ako pumayag mula ng bata ako na maging aba sa mga kutong ito kahit tingin nila sa atin ay kutong kaya nilang tirisin.. Hindi pa rin ako pumapayag ngayon.. at hindi pa ri papayag sa mga susunod na mga panahon...
Kung hahayaan nating mangyari ang mga bagay na ito, maliit man o malaki, hindi na ako magtataka kungiang araw ay babangon sina Andres Bonifacio, Jose Rizal, Gabriela Silang, Ninoy Aquino, at Angelo Reyes (kasama ito), at magsasabing...."%&(##$@&@%67%&67%^$%&^%% nyong lahat mga tanga!"
Tayoy' mga Pinoy.. tayo'y hindi kano......
Comments