Hindi Magbabago

May mga awiting tumimo, tumitimo at titimo sa ating puso at damdamin... Maging luma or bago, sila'y hindi sila nagbabago.....Heto ang isa....
Nang matapos na'ng lahat, ako'y nahirapan
Nalaman ko na ikaw ang tanging kailangan,
Pinag-iisipang husto sa naiibang mundo
Kay hirap nang wala sa piling mo.

Ginawa ko na'ng lahat para sa atin
Ngunit ika'y nagbago ng hangarin,
Kahit wala na tayo' masakit man sa puso
Ay hindi nawawala, mga alaala

CHORUS:
At hindi mababago ang gusto ng puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo,
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili 'to at hindi magbabago.

Ginawa ko na'ng lahat para sa atin
Ngunit iba pa rin ang nangyari,
Walang-walang tatalo sa lahat nang dinanas ko,
Pagnanais na ika'y mapasa-aking muli.

CHORUS:
At hindi magbabago ang gusto ng puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo,
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili 'to at hindi magbabago.

Kahit malayo na'y malapit ka pa rin sa aking puso, oh.

CHORUS:
At hindi magbabago ang gusto ng puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo,
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili 'to...

CODA:
Mananatili to, mananatili to

At hindi magbabago...

At hindi magbabago...

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...