They Do Remember...

Natuwa daw siya ng tumawag siya sa telepono..
Isa itong long distance call..
Hindi niya inaasahan na alam pa niya ang numero ng telepono sa kanilang bahay. 
Nung una ay sa landline pero bandang huli ay sa cellphone na sila naguusap...
 
Nakakapagusap pa sila nuon sa telepono kahit ang isa ay nasa malayong lugar.  
Ito daw ay mga panahong nagpapasaya sa kanya. 
Sa una ay paminsan-minsan lang ang tawag niya pero ito ay napadalas.
 
Ang mga usapan ay ninanamnam ng bawat isa. 
May mga pagkakataon daw na nasa trabaho ang isa pero nabibigyan pa din ng pagkakataon ang kanilang paguusap.
 
Pansamantala nilang nakakalimutan ang pagod sa paghahanapbuhay sa tuwinang sila'y nakakapausap. 
Para sa kanila, ang mga usapang iyon ay mahalaga sapagkat ang bawat salita daw ay nagmumula pa sa kaibuturan ng kanilang puso. 
 
Nagtagal ng mahabang panahon ang kanilang mga pag-uusap.. Linggo, Buwan, taon...
Subalit madalas ang lahat ng magagandang bagay ay may katapusan...
Sa hindi inaasahang dahilan ay biglaang naputol ang kanilang komunikasyon.
Animo'y naglaho ang isa't-isa...
Nanahimik.
Nagisip
Subalit, hindi nakalimot...
Hinding-hindi...
 
 
 
 

Comments

Anonymous said…
anung sumunod na nangyari?

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...

Titi ni Pacquiao