2011 Annual Physical Exam

Kaninang umaga ay sumailalim kami sa nakasanayang Annual Physical Exam ng kumpanya... ang siste.... pakyawan....walang kalidad na medical examination.
 
Step 1: Magpalista:
Nagbigay ng form yung ginoo sa reception area pero ginulo nya ang pila... pinapasagutan nya sa mga empleyado ang mga katanungan na dapat sana'y ang duktor ang dapat magtanong...
 
Step 2: Height and Weight:
Sinukat syempre... feeling ko nga weigh-in ng isang championship boxing match habang nandun ako sa ibabaw ng timbanagan..
 
Step 3: Kukunang ng dugo:
Isa ito sa ayaw ko.. bukod sa masakit ng konti hindi ako sure baka iniinom lang ng bampira ang dugo ko pagtapos ng APE.
 
Step 4: Sample ng ihi:
Buti na lang at hindi na kasama ang tae.. baka kasi makita yung butil ng mais na kinain ko kahapon..
 
Step 5: Doctor's exam:
Wala namang ginawa... basta wala... magkano kaya ang binayad sa kanya para dun.
 
Step 6: Optical exam:
Perfect pa din ang eye exam ko.. May machine na ginagamit yung duktor pero parang sira..
 
Step 7: Audiometry:
Gumagamit sila ng isang mala-itlog na gadget para dito.. kamukhang-kamukha nung props na betlog ni Lady Gaga nung dumating siya for the Grammy.  Walang kwentang exam, matagal pa ang ipinila ko..
 
Step 8: Chest x-ray
Malamang sinuri lang dito kung may TB ang mga tao sa opisina.. wala pang result... nasaktan pa ako dun sa mobile x-ray kasi naman yung babae dumaan bigla.. tumama ang lumbar spine ko sa isang kanto... nag sorry naman yung bebot...
 
Tapos na.. uwian na....
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...