Langaw Air Force

Nuong Linggo, papunta ako sa panaderya mga dalawang bloke lang ang layo sa bahay namin... Pagkatapos akong makabilli ng pandesal dun sa mamang pawisan sa bakery nakita ko yung mga nakahelerang mga Bangaw sa kalsada..
Ang gagaling hindi gumagalaw..
Parang mga pasas na lumulutang..  
Bata pa ako nung una ko silang napansin sa ganitong kakaibang formation..
Parang nagbabantay sa "no fly zone" sa Libya ang mga bangaw na ito.
Hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin bakit sila nakapila kapag umaga.
Meron din ba silang required na flag raising?
Hindi naman siguro sila enrolled sa ROTC?
Nagpapaaraw nga lang ba sila? for vitamin D? parang sanggol?
Hmnn.
bakit?
Bakit?
Pero ngayon tatawagin ko na silang Langaw Air Force!

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...