She is Talking Alone

Isa na siguro sa mga pinakamahirap at nakakatakot gawin sa buhay ng tao ay ang magsalita ng mag-isa.. opo.. mag-isa yung walang kausap. Yung parang ewan lang... Something like your talking with somebody when that somebody doesnt exist.  Wheww..
 
Ang senaryo
 
Tahimik ang pagpasok ko sa isang departamento kanina sa opisina, walang ingay kang maririnig kundi ang tunog ng mga keyboards ng bigla-biglang nagsalita ang isang binbini..Hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi pero bilang isang maginoo tinanong ko siya kung ako ang kausap niya... Siya'y napangiti at magalang na sinabi sa aking hindi ako.... pero ang ang tanong ko naman ay "SINO?"  Anak ng tipaklong kami lang ang magkatabi dun...
 
Bakit?
 
Ang tanong.. bakit siya nagsasalita mag-isa? Ito ang ilan sa aking mga spekulasyon (in no particular order)
 
1.  Iniwan siya ng kanyang boyfriend.
2.  Wala siyang boyfriend.
3.  Feeling nya boyfriend pero hindi pala siya girflriend...
4.  Hindi pa nagkakaproypren.
5.  Walang pera.
6.  Luma na ang cellphone.
7.  Walag nagcocomment sa picture nya na pinaghirapan nyang i-photoshop (edit)
8.  Asar na siya sa kanyang tagapapagsiyasat (supervisor)
9.  Asar din ang tagapagsiyasat nya sa kanya.
10.  Hindi naka-order kahapon ng extra rice.
11.  Kulang sa sex.
12.  Sobra sa sex.
13.  Bitin sa sex.
14.  Wants to be sexed.. ha ha ha..
15.  Mababa ang suweldo.
16.  Late sa pagpasok.
17.  Hindi pa nakakapag-foot spa.
18.  Walang perang pampa-rebond ng buhok.
19.  Sumobra ng 5 guhit sa weighing scale pag  gising.
20.  Hindo pa nakakapagbawas (tumae)
21.  Hindi pa nagkakapagbasa ng 'ANGAD WE TRUST" blog.. ha ha ha...
 
Kung ano man...
 
Kapatid, kung ano man ang iyong pinagdadaanan sa mga oras na ito.. isipin mo na lang na mas masueerte ka kaysa sa mga hapon na ginuho ng tsunami at lindol.. Mas maswerte ka kaysa sa lamok na inalmusal ng mga palaka sa kabukiran... Mas swerte kaysa sa lechon na nakahanda sa  birthday party habang may kagat na mansanas galing China... Mas masuerte ka sa babaeng nasagasaan sa EDSA dahil sa jaywalking (pero may marker HUWAG TUMAWID MAY NAMATAY NA DITO) at mas maswerge sa 6 bilyong tao sa buong mundo dahil nabasa mo ang blog na ito..
 
Umabot ka dito?
 
Bilib naman talaga ako sayo giliw na tagabasa.. napagtiyagaan mong basahin ito kahit hindi naman ito makakatulong sa pagtaas ng sweldo mo at wala din namang magagawa para magkabalikan ang tambalang GUY AND PIP or SHARON at GABBY... Pero ganun pa man, salamat sa pagbabasa mo..
 
Pwedeng-pwede
 
Hayaan mo pwede kang mag request ng topic..mag email ka lang or kalabitin mo lang ako saan mo man ako makita.. okay
 
Umagang kay Ganda! Kape tayo...
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...