Pinoy Urban Legends
Kanina sa break namin, sa di inaasahang usapan ay naalala lang namin kanina ni Mark ang ilan sa mga urban legends na gumoyo sa madami sa atin... kasama ako... ha ha ha.. heto ang ilan at tingnan mo kung natatandaan mo pa ang mga ito....
Half-man half-snake monster sa Robinsons Galleria
Wala na akong maisip na mas popular na urban legend dito sa bansa natin kundi yung di-umano'y half-man half-snake na anak ng may ari ng Robinsons Galleria, ang mga Gokongwei. Meron daw kasing kakambal na ahas ang isa sa kanilang anak na pinapakain ng magagandang babae na nagsusukat sa mga fitting room sa Robinsons. Pati nga ang magandang si Alice Dixon, kasama dun sa sequel ng kwentong ito.. Nagustuhan daw ng taong ahas si Alice kaya hindi na kinaain (ahas pero may twist ng love story). Basta mga magagandang babae daw at mga bata daw ang trip ng taong ahas kasi sariwa daw ang laman at dugo nito. Kaya daw minsan may mga reported na missing sales ladies sa Galleria dahil dito (malamang sumama lang sa boypren yun).. Kasi daw yung logo ng robinsons korteng ahas daw yung letter "R".... tsk tsk tsk... this one is really classic.
Aswang sa Maynila
Dalawang kwento ang narinig ko dati tungkol sa aswang dito sa kalakhang Maynila, isa sa Marikina at isa sa Tondo... Pero parang mas sikat yung aswang sa Tondo, siguro dahil mas madami daw nabiktima. Tulad ng ilang urban legends, may variations ang kwento.. yung aswang daw papauwi na daw sa Siquijor pero nag stop over muna dito Maynila... ngayon tuwing bilog daw ang buwan syempre kailangang tsumibog daw kaya imbes sa Balintawak mamalengke ng karne ay mga babae daw at bata ang kinakain nito.. lalo na yung mga pagala-gala sa gabi...(palaging bata at babae ang biktima napansin ko). Siguro parent ng tambay ang nagpauso nito para dehins na tumambay ang kanilang mga anakis sa kalsada sa mga alanganing oras ng gabi.. Ewan ko lang kung ang mga bading kinakain din ng aswang.. hindi siguro kasi patuloy silang dumadami (hindi naman nanganganak).. he he he..
Hamburger sa Jollibee
Sumikat ito yata nung napapadalas ang feature ni Gerry Geronimo sa Ating Alamin ang tungkol sa mga cultured worms. Pero parang naniwala ako dito ng kaunti.. Ewan ko.. minsan kasi naniniwala ako na kapag may usok may apoy.. Pero minsan usok lang talaga. Malamang competitor ng Jollibee ang may pakana nito. Sino ba naman ang kakain ng hambuger patty na gawa sa uod kahit pa sabihing malinis at full of nutrients... Ewan pero sumikat din ang urban legend na ito.
Sa susunod ulit...mag-iisip pa ako ng iba.
Umagang kay Ganda! Kape tayo....
Comments