Wave of Revolutions
Sunud-sunod ang mga kilos protesta sa gitnang salamat nitong mga nakaraaan buwan....kakatapos pa lang nung sa Cairo at Alexandria sa Ehipto sa pagresign ni Hosni Mubarak, ngayon sa Tunisia tapos ngayon naman kasagsagan na naman ng kaguluhan sa Libya kung saan madaming Pilipino na ang lumikas palabas ng nasabing bansa subalit madami pa din ang natitira...
Chain Reaction
Dahil dito, parang may "chain reaction" din sa iba pang mga pook sa gitnang silangan.... napabalita na parang nagpapatuloy na sa loob ng ilang araw ang mga kilos protesta sa Bahrain dahil din sa mga isyung pampulitikal at nagbabanta na rin ang ilang mga demonstrador na magkakaroon na rin ng mga pagkilos sa Saudi Arabia...di lang ako sure baka gusto lang din nilang makita ang mga mukha nila sa CNN at BBC....
Oil Price
Napakalaki ng epekto ng mga pangayayring ito sa pandaigdigang pananaw lalo na ang gitnang silangan ang numero unong exporter ng langis at krudo upang magamit ng buong mundo... Dito nga sa Pilipinas 54 na ang halaga ng Premiuim na gasolina...
OFW:
Paano na ang mga itinuturing nating bagong bayani na naapektuhan ng kagulukhan.. Trabaho na posibleng mawala dahil sa kanilang ginawang paglikas at kaligtasan ng mga naiwan pa...
Sana'y wag nang lumala.. sana'y ma-control sana'y tumigil...
JESUS IS THE WAY
Kung Kristiyano lamang sila, pwede natin silang sabihang magdasal ka Jesus or humingi ng tulong kay mama Mary.. pero hindi yata pwede yun! kasi si superman at batman yata ang kanilang idol... joke...
Basta ang dasal ko ay maging mapayapa at matiwasay hindi lamang ng mga pilipino kundi ng lahat ng tao sa gitnang silangan at sa lahat ng panig ng mundo! Kape Tayo...
Comments