Intsik Linggo

Merong lugar malapit sa amin na kung tawagin ay Intsik Linggo... Gawi ito dun sa tabi ng ilog di kalayuaan sa lugar namin.. Malapit ito dun sa likod  ng Mababang Paaralan ng San Antonio.
 
Intsik Nalunod.
Intsik Linggo daw ang tawag sa lugar na ito kasi meron daw namatay na Intsik dito dati on a Sunday habang naliligo sa ilog... Di ko alam kung urban legend lang ito pero parang may katotohanan..
 
Movie location
Maganda daw kasi ang lugar na ito kaya minsan daw may mga eksena sa mga pelikula dati na dito kinukunan.. Di pa yata madunong gumamit ng plastic ang mga Pinoy nun kaya hindi pa poluted ang mga ilog. Siguro ito pa yung mga panahon na namamayani pa sa pinilakang tabing ang mga pelikula ng Sampaguita Pictures at LVN Productions. Child star pa dito yata si Pidol.
 
Bawal Maligo
Dagdag pa sa urban legend na ito ay ang pagbabawal na maligo dito ng mga matatanda.. Notorious daw kasi ang lugar na ito sa mga drowning incidents, possibly because dun sa Intsik.. na nagmumulto at naghahanap ng damay.. Pero dahil matigas ang ulo namin nun hindi napigilan ng urban legend na ito ang aming paliligio at pagtatampisaw sa nasabing ilog. Awa ng Diyos wala namang nalunod sa amin, pero madaming palo ang natanggap namin sa mga tatay namin.. Okay lang basta nag-enjoy...ha ha ha
 
Pahabol
Dati nga pala kapag araw ng Linggo puro Chinese movies lang ang palabas sa telebisyon.. Kaya mas maganda pang maglaro ng langit-lupa kaysa panoorin ang mga singkit na umaarter sa black and white naming T.V.
 
 
 
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...