Hyundai Accent Run 2011

Sa mga panahong ang mamahal na ng billihin, presyo ng gasolina, sweldong hindi itinataas, at problema ng bansa, it's nice to think that sometimes the best things in life are LIBRE!
 
The Hyundai Accent Run 2011.
 
I will be joining this run this Saturday April 2, 2011.  Gaganapin ito sa Quirino Grandstand sa Manila.  Sa Global City dapat ang original venue for this running event pero dahil (siguro) sa dami ng sumali at nagpagregister naisip-isip ng organizer na dun na lang gawin ang takbuhan along the stretch of Roxas Boulevard. 
 
Pwede naman palang Libre
 
Talagang ang mamahal na ng bayard sa registrations sa mga running events dahil aminin man nila o hindi ginagawa na nila itong malaking negosyo... Okay lang namang magbayad natural lang naman yun pero sana reasonable naman para naman umakma sa bulsa ng masang pilipino.
 
Replacement Runner for 10K this time
 
I will settle for a 10-K run at this time... Ibang name ang gagamitin ko sa singlet; replacement runner lang kasi ako dito sa sister ni Ruby.. maraming salamat sayo Ruby.  I will just announce my bib number later before the race...
 
HHWW
 
Ayos na ayos ang venue ng event na ito kasi sa Luneta na rin...  makakapagholding hands while walking ang mag-jowa habang kumakain na mani dun sa Rizal Park.. Ha ha ha!
 
Sa mga bobotak sa Sabado, kita-kita na lang po tayo dun...
 
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...