Execution of 3 Pinoys in China

Isa itong masamang balita para sa buong kapuluan.. Tatlo sa ating mga kababayan ang sasailalim sa capital punishement sa Peoples Republic of China sa March 30, 2011.
 
Heroin Smuggling:
 
Ang mga kababayan nating ito ay sina:  Ramon Credo (42), Elizabeth Batain (38) at si Sally Villanueva (32).. Sila ay convicted dahil sa kasalanang pag-smuggle ng ipinagbabawal na heroin sa China.
 
Lethal Injection
 
Sa pamamaraan daw ng lethal injection ang parusa sa tatlong pinoy, katulad din ng ginawa dito sa atin nung panahon ni Leo Echegaray.
 
Last Effort
 
Sa aking pagkakaalam, ginawa na ng ating pamahalaan ang lahat ng diplomatiko at legal na pakiusap upang maisalba ang buhay ng ating tatlong kababayan.  Sana ay may magawa pa para kahit habang-buhay na pagkabilanggo na lang ang gawing kaparusaahan sa kanila.
 
Final Verdict:
Sabi ng embassy ng PRC, final na daw ang hatol... tsk tsk tsk... Dahil katolikong bansa tayo, kahit alam nating guilty ang mga akusado, hindi pa din natin nais ang malungkot na katapusan para sa ating mga nahatulang kababayan...
 
Prayers Prayers Prayers...
 
Bilang mamamayan, ang tangi nating magagawa para sa kanila at sa kanilang pamilya ay magdasal upang maging maayos (sana) ang ending ng malungkot na kwentong ito.. 
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...