Taxi Naligaw sa Quezon City

Natatandaan ko pa...
Di ko akalain na sa tinanda ko dito sa Quezon City ay maliligaw pa rin pala ako dito...
Opo.. naligaw ako... 
Sa isang pambihirang pagkakataon na ipinikit ko ang aking mga mata ay di ko namalayan na nawawala na pala ako habang nakasakay sa isang taxi...
Sa pagkakapikit ng aking mga mata ay naramdaman ko ang kasayahan na handog ng kalangitan kung kaya't sa maikling pagkakataon na yaon ay parang ayaw ko nang magising sa isang sitwasyon na animoy isang panaginip...
Panaginip nga ba o katuparan ng pangarap na kay tagal ko nang inaasam-asam...
Hindi mo binalak subalit nangyari...
Ito ba ang tinatawag na hatid ng tadhana?
Di ko alam...
Marahil...
Di ko makakalimutan ang gabing iyon...
Hinding-hindi kailanman...
Haayyy....
Buhaaayyyy....

Comments

richard hehehe said…
biglang lumiko yung taxi??

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...