Tambay Sa GY

TAMBAY
Talagang may pagkakataon sa trabaho na kahit gusto mong gumawa ay wala ka namang gagawin.... 'Tinatamad na naman siguro ang mga Kano kaya wala silang mapadalang basura dito sa atin para gawing trabaho.  Ganyan talaga yatya ang mga pagsubok ng outsourcing, minsan meron minsan wala..
 
LOTS OF TIME
Kaya dahil dito, napakadami kong pagkakataon sa gabing ito na magmuni-muni tungkol sa mga pangyayari sa aking buhay nitong mga nakaraang mga araw... tungkol sa pagtatapat, tungkol sa maling akala, tungkol sa pag-ibig at tungkol sa madaming mga bagay sa buhay-buhay.. Wag ka nang kumontra giliw kong mambabasa.  Nakikibasa ka na nga lang kokontra ka pa! Jowk!
 
BALITA
Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang may maka chat ako- nangangamusta.. nakikibalita.. akala ko pa naman tunay na kinukumusta talaga ako pero masamang balita lang pala ang kanyang dala. Pero okay lang, basta balita okay na yun.. basta sa kanya nagmula ayos na rin sakin...
 
MALING AKALA
Masakit sa pakiramdam ang umasa; masakit din ang madapa, pero tingin ko pinakamasakit sa buhay ang magkaroon ng maling akala.. opo, maling akala.. yung bang iba ang pagkakaintindi mo sa mga bagay-bagay kaysa sa katotohanan... masakit yun kasi umaasa ka..umaasa sa wala! naghihintay.. naghihintay sa wala... ewan.. pak yu ka maling akala! lol..
 
Pero ang solusyon daw narinig ko dati sa sobrang pag-iisip ay ang patuloy na pagiisip... Hindi daw totoo na itigil ang pagiisip para makalimot...eh kahit naman mag try akong makalimot hindi ko naman yun makakalimutan eh.. sayang lang ang effort ko... nandyan lang sya palagi for the rest of my life... parusa... o... pasang krus? or both..... good luck sakin!
 
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...