All About My 35th Birthday! (AN OPEN LETTER TO ALL OF YOU)
Gustung-gusto ko sana pasalamatan lahat ng bumati sa akin sa Facebook (FB), kasi kahit kung saan-saan dumadaan ang mga messages ng mga nagmamahal sa inyong lingkod ay naipadala nyo pa rin ang inyong mga pagbati! May ongoing updates yata na ginagawa ang FB kaya ganun ang situation kahapon. Parang gusto ko na tuloy bawiin ang mga donation at pledge ko sa FB dahil dito..
Kaya mas minabuti ko na lang gawin ang liham na ito para sa inyong lahat na nakaalala at nagpadama sa inyong lingkod.. Of course, in no particular order.
1976 A.D.
Unang-una 35 years old na po ako.. taong 1976 ako ipinanganak; ongoing ang martial law sa bansa nang mga panahong iyon; idinaos din ang summer olympics sa Montreal, Canada nung time na yun, 1976 din ng unang itinayo ang Apple Computer Company... At ang pinakamahalaga sa lahat, 1976 ipinanganak si second-born child nina Jorge Maranon Angad at Asuncion Pedasay-Angad si Christopher George P. Angad.. (haba ng pasakalye).. Ipinangalan mula sa artistang si Christopher George, isang artistang banyaga na gumanap sa TV series na Rat Patrol..
Maraming salamat sa mga sumusunod:
MGA KA-TRABAHAO AT NAGING KA-TRABAHO KO ( edata, photoplus at sa mga clinic na napasukan ko)
Salamat sa inyong mga pagbati.. Salamat sa lahat ng mga kasiyahan at mga bagay na ating pinagsaluhan.. Hangad ko naging matagumpay kayong lahat sa mga bagay na inyong gagawin...Sa mga taga edata, tataas din ang sweldo natin.. umasa lang tayo.
SA MGA FRIENDS KO SA FACEBOOK:
Salamat sa mga comments na ibinibigay nyo para sa akin; ang lahat ng ito ay nagpapalakas sa akin sa lahat ng pagsubok..
ERMAT
Salamat mama sa pagmamahal mo sa akin, sa pagaalaga mo sa amin ni kuya mala pa nung kami ay mga bata pa, syempre sa pagaalaga din sa iyong apo... Alam mo lahat ang tungkol sa akin (as in lahat).. salamat sa pakikinig...
KUYA REINIER:
Tol, natutuwa ako at magaling ka na mula sa iyong karamdaman. Ipagpatuloy mo ang pagbabago at paglilingkod sa Diyos.. Mahal na mahal kita.. Ikaw ang favorite kuya ko (no choice na kasi ako eh)
ATE LORIE:
Tnx sayo ate, hindi ako makakakilos ng mabuti kung wala ka.
SA MGA KABABATA KO:
Magkakasama pa rin tayo ngayon kahit matatanda na tayo at may mga sarili nang mga pamilya; sana manatiling ganito habangbuhay...
SA MGA CLASSMATES KO SA ESTEBAN ABADA
Salamat sa mga pagbati... kelan ba tayo ulit magkikita-kita (paging ariel)
SA MGA NAGING KASAMA KO SA SPORTS (coaches teammates staff)
Ang disiplina na nakuha naitin sa mga palarong nasalihan natin ay nananatili pa rin sa dugo ko... Sana manatili tayong injury-free para maging active pa rin ang ating katawan..
MGA TEACHERS KO DATI
Mga mam at sirs, salamat sa karunungan at pagtitiyaga nyo po sa amin... Natutuwa ako na malaman na proud kayong lahat para sakin.. Luv yu all!
BACTHMATES, CLASSMATES, TROPA, AT MGA TOLS SA SERGIO OSMENA
Nakakatuwa sapagkat solid ang samahan natin.. Salamat sa inyong lahat, sa mga nagtext, nag PM, nag post sa FB, nag comment, at tumawag sa telepono... Mahal na mahal kita este ko kayong lahat pala.. Sa susunod na kita-kita ulit!
MGA TAGA FATIMA COLLEGE (University na ngayon) ha ha ha
Salamat sa mga messages nyo.. ang babait nyo.. sana maging masagan a kayong lahat!
MGA TUMULONG SA ARAW NG BIRTHDAY KO
Kung wala kayo, hilaw na pagkain ang kakainin ng mga bisita ko... ang babait nyo po! god bless!
SA MGA KASAMAHAN KO SA SIMBAHAN (all orgs)
Salamat sa spiritual na suporta, kailangang-kailangan ko pa lahat ng inyong mga dasal!
SA MGA LOCAL GOVERNMENT OFFICIAL NG QUEZON CITY
Salamat po mga sirs and mams... bagsakan nyo po kami ng mas madaming projects dito sa aming baranggay!
SA MGA TAGA BARANGAY SAN ANTONIO
Salamat muli sa inyong pagtitiwala! Wala ako dito kung hindi dahil sa inyo! TRIVIA: Alam nyo po bang first time lang sa ating barangay na sa unang takbo ng isang kandidato na nag number 1 agad at first time din na may nag back-to back number 1 kagawad sa ating barangay.. FYI lang naman.. asahan nyo po ang pagiging humble ko at asahan nyo din po ang patuloy kong paglilingkod lalong lalo na sa mga nangangailangan.. Sino pa ba naman ang tutulong sa atin kungdi tayo-tayo din na taga san antonion.. god bless
SA MGA KASAMAHAN KO SA BARANGAY:
Salamat po, lalo na kay Kap Nestor at sa mga kagawad, mga tanod, healthworkers, staff, secretary, treasurer, admin, streetsweepers, eco-aide, palero atbp.. Ipagpatuloy po natin ang patuloy na pagunlad ng ating pamayanan..
SA MGA KAMAGANAK KO:
No choice kayo! kamag-anak nyo ako! alam ko naman na mahal na mahal nyo ako! ganun din syempre ako!
KAY GEORGE ANTHONY (aking anak)
Ipinangalan kita sunod sa ngalan ng lolo mo (Jorge) at saking (christopher george) at mula din syempre in honor of our patron saint (San Antonio de Padua).. salamat sa pagiging inspirasyon ko sa lahat ng aking ginagawa!
KAY MILDRED
Mahal na mahal kita..Salamat sa pagmamahal mo sa amin ni George! Sana manatili tayong ganito sa habangbuhay! tsup!
AT SA LAHAT NG HINDI KO NABANGGIT:
Alam nyo po kung gaano ko kayo kamahal. paumanhin po hindi ko na nailagay dito kayo..
SA PANGINOONG MAYKAPAL
Salamat po sa buhay, sa pagpapala, pagbabantay, sa mga biyaya na ipinagkakaloob nyo sa akin at sa mga mahal ko sa buhay! ALL PRAISE AND GLORY IS TO YOU MY GOD
MAGANDANG HAPON SA INYON LAHAT!
KAPE TAYO....
MAGANDANG HAPON SA INYON LAHAT!
KAPE TAYO....
Comments