Martial Law - Isang Paggunita
Ngayon ang ika 39th na anibersaryo ng pagkakadeklara ng dating pangulong Ferdinand Marcos noong December 212, 1972.. Hindi pa ako ipinapanganak ng mga panahong iyon pero isa din akong martial law baby tulad ng marami sa mga nakakabasa ng sikat ng blog kong ito (naks!)
Karamihan sa mga istorya tungkol sa martial law ay narinig ko na lang sa aking mga magulang, sa telebisyon, at sa mga aklat noong ako ay nagaaral pa sa paaralan.
Basta natatandaan ko kumakain ako ng nutribuns dati noong ako ay nasa mababang paaralan pa.. Ito yung tinapay na may sangkap daw ng pampatalino at pampalaks upang maging mahusay ang kabataan sa pagaaral at paglalaro (naniniwala ako dito ng konti).
Madami daw nagbuwis ng buhay ng mga panahong yaon at ang kalayaan ay hindi mo daw matanaw; pero mayroon din akong mga naririnig na mga matatanda na nagsasabing mas maganda pa daw ang buhay ng tao nung panahong iyon! Ang kasagutan siguro at depende sa antas ng buhay mo (noon at ngayon)..
Basta ako, mas naniniwala ako na may martial law man o wala, mas mahusay kung mayroon tayong kalayaan sa ating bansa; kalayaan na ang bawat mamamayan at may pantay-pantay na oportunidad na mabuhay sa isang mabuting bansa; kalayaan na hindi lamang dapat nakakamtan ng iilang mga mapagsamantala; at kalayaan sa ating puso na isipin at gawin ang ating kagustihan (ng hindi nakakasama sa iba)..
Mabuhay ang bansang Pilipino!
Comments