100 Days To Christmas

Ang bilis talaga ng panahon parang kailan lang ang nakalipas na pasko at heto na naman isang daang araw na lang Pasko na ulit!
Nakita ko lang ito sa mga posts ng ilan kong mga kaibigan sa Facebook kanina.
Hindi ko man lang namamalayan na "Ber Months" na pala ngayon! Super late na talaga ako.
Naalala ko dati ang maternal lolo ko dati, kapag ganitong Setyembre na nagsisimula na siyang magpatugtog ng mga Christmas songs gamit ang kanyang turn table (de-plaka).
Iba ang feelings kasi ng mga tao kapag papalapit na ang kapaskihan, parang masaya na may halong lungkot!
Masaya dahil syempre dahil sa mga parties, regalo, decoration, activities etc pero malungkot ka dahil naaalala mo ang mga taong hindi mo kapiling at hinding-hindi mo na makakapiling sa pagdiriwang ng kapaskuhan.
Pero ganun pa man, Merry Christmas sa inyong lahat!
:)

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...