SUPSUP NA SUPSUP

Nasa Quezon City Hall ako kahapon upang umattend ng isang seminar work shop regarding disaster assesment and management from the United Nations.  Paparating pa lang ako sa bulwagan ng city hall ay kapuna-puna na ang kapal ng tao. Nung naitanong ko sa isang parking attendant kung ano ang meron, sinabi nya sa akin na darating daw si "Shancy" Sapsap.. Hindi ko alam kung joke lang yun or mali ang dinig ko  pero ganun talaga ang sinabi nya... Malamang sobrang pagod  na ang magandang dalaga sa biyahe sa eroplano, interviews, meeting with PNoy (bago magpunta ang pangulo sa Amerika), pero game pa rin sya sa kanyang mga activities....
Syempre, tulad ng inaasahan mo hinintay ko din ang pagdating ng ating 3rd runner up sa katatapos lang na Miss Universe 2011 na ginanap sa bansang Brazil... Nung dumating si Shamcey, nasa kotse pa lang sya ay napansin ko na na napakapayat na tao ng babaeng ito, pero nung lumabas ay parang nagiba ang ambiance sa city hall.... na star struck ang mga tao at syempre ako din.. ang ganda, ang seksi ang tangkad.. ang ganda ng ngipin...
Kinunan ko ng picture mula sa aking X3-02 Nokia celphone kasi feeling ko nakatingin sakin si Shamcey pero dahil napakabagal ng shutter speed ng camera ng cellphone ko ay gumalaw na ang aking subject at tanging likod na lang nya ang nakunan ko... (post ko yung pic na yun kapag sinipag ako).
Tapos yun na, napuno na ang session hall ng city hall.... at ako naman ay nagpunta na sa seminar na pupuntahan ko.. Akala ko ako na ang pinaka-late pero lahat din pala ng mga kasamahan ko ay nakiabang din kay Ms. Supsup!  He he he.. ang Ms. U nga naman!

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...