Posts

Showing posts from 2012

LUMANG BAHAY

Giniba namin kanina ang lumang bahay ng lolo at lola ko... dito kami dati nakatira nung mga bata pa kami.. Kailangan ko kasing lumipat dito; gagamitin na kasi ang bahay na tinitirahan ko ngayon... Sana umabot ang budget namin sa pagpapatayo ng pansamantalang bahay na ito... Kape tayo..

HAPPY FOR YOU HON

Dahil nakikita kong masaya ka sa mga pangyayari sa buhay mo, masaya din ako... Be happy for the rest of your life.. Kape tayo...

HUWAG KANG PLASTIK

Image
Nag start na noong September 1, 2012 ang ordinancsa dito sa Quezon City na naglalayong i-regulate ang paggamit ng plastic sa lungsod. Pakiramdam ko matagal na ito dapat naisakatuparan pero kahit late na at least nandito na.. Sana lang ay maipatupad ng consistent ng mga kinauukulan para naman hindi masayang ang layunin ng ordinansang ito... Kaya natin ito sa Quezon City.. Kape tayo...

Tsinelas Leadership

Image
Natuwa talaga ako ng sobra dun sa bansag na Tsinelas Leadership para sa pamamahala ng namatay na secretary ng DILG na si Sec. Robredo. Yun kasing tsinelas leadership marahil na nabanggit ay sumasalamin para sa style ni Robredo at para din sa mas nakararaming tao na kanyang pinaglingkuran.. ang masang Pilipino.. Malaki ang responsibilidad bilang pinuno ng DILG; hawak nya ang kapulisan, ang BFP at ang mga LGU sa buong bansa.. Aral yun para sa ating lahat na hindi naman natin kailangang maging magara, mayaman o masyadong elegante upang makapaglingkod; mas ayos pa nga yung payak at simpleng paraan para mas lalo tayong maabot ng mga nangangailangan. Nakatitiyak ako na naipakita ito sa atin ni Robredo; paulit-ulit sa media na sinasabi na sana ay huwag masayang ang mga punlang kanyang itinanim para ang mga ito ay mapakinabangan ng susunod pang mga henerasyon...   Isa siyang bayani! Bayani hindi ito ay kanyang hiningi sa atin kundi bayani dahil ito ang nararapat na ibig

Tsunami Alert Philippines August 31, 2012

Nakikinig ako sa balita kagabi at sinusubaybayan ang mga updates tungkol sa nakalipas na paglindol na nangyari malapit sa Eastern Visayas.. Nakataas ang tsunami alert warning sa mga dalampasigan ng Silangang Visayas region dahil ang epicenter ng nasabing paglindol ay nasa karagatan ng Pasipiko. Nagtaas din ng tsunami warning ang ilang bansa na nakaharap sa Pacific Ocean pero ang mga ito ay tinanggal na din. Medyo madami talaga ang mga pagsubok na naganap sa ating bansa nitonh Agosto. Nung una, bagyo, tapos sinabayan ng malakas na habagat, namatay si DILG secretary Jessie Robredo, tapos kambal na bagyo naman at humabol pa kahapon ang lindol.. haaayy.... sana magbago naman ang kalagayan at mga pangyayari ngayong Setyembre.. Good news naman sana.. Kape tayo...

The "Ber" Months

Naisip ko na lang bigla kaninang umaga na Setyembre na naman ngayon, sa kultura at kasanayang Pilipino kapag Setyembre na "Ber" months na ang tawag dito, ibig sabihin papalapit na naman ang araw ng pasko. May mga pagkakataon na naaalala mo ang ilang mga paskong lumipas, minsan naman ay ang mga paskong matagal ng nagdaan.  Nakakapagbigay ang mga ito sa atin n lubos na kasiyahan lalo na kapag alam natin na ang mga kasama natin sa mga paskong ito ay ang mga mahal natin sa buhay na ngayon ay hindi na natin kapiling..  Senti? pwede pero pakiramdam ko hindi lang ako ang ganito ang pakiramdam sa mga panahong ito..  Haayyy.....

IWAN MUNA

Papauwin na raw ng doktor si Mildred  bukas.. Ang medyo hindi magandang balita ay maiiwan daw muna pansamantala si baby Camile sa nursery.. Nagkaroon kasi daw ng infection ang bata kung kaya't mas mainam daw na gamutin muna bago pauwiin... Excited na nga kaming maiuwi sya pero okay lang, basta yung health and safety nya ang mas mahalaga... Gandang gabi! Kape tayo...

CAMILE GEORGIA MELENDEZ ANGAD

THE DAY THAT THE LORD HAS MADE - Sa buhay ng bawat tao ay may mga araw na tulay na napaka espesyal; isa ang July 24, 2012. Martes; para sa buhay ko. Mga bandang 2:30 ng umaga ng ako ay gisingin ni Mildred; sumasakit daw kasi ang kanyang tiyan ng bahagya. Hindi pa namin expected na manganganak siya sapagkat sa August 8 pa namin inaasahan ayon na rin sa kanyang OB-GYNE doctor na si Dr. Valev Co. Inobserbahan pa namin ng ilang minuto ang kanyang nararamdaman subalit ang sakit ay napaka-intermittent, dumarating at nawawala.  Tinawagan ko na sa kanyang cellphone si Dr. Co at sinabi ang kanyang nararamdaman at kami ay kanyang sinabihan na tumungo na sa Chinese General Hospital (CGH). Dahil dito ay dali-dalian kaming naghanda ng ilang mga kagamitan ni Mildred at ng baby.  Medyo nabigla kami pero ano ang magagawa namin. Nagpatawag na ako ng taxi at ilang minuto pa ay nasa ER na kami ng CGH.  Nang inexamine si Mildred ng resident OB sa ER ay napagalamang nasa 6 to 7 inches na daw si M

SONA 2012

Image
Habang ginagawa ko ang post na ito, ay kasalukuyan akong nakikinig sa radyo at nagaabang sa talumpati ng pangulong PnoY Aquino para sa State of the Nation Address (SONA) 2012.  Sana mabanggit ng pangulo ang mga hinihintay kong mga issue na sana ay kanyang bigyan ng pansin. Kagabi, ay kausap ko sa chat ang isang dating kaiibigan. Nagb-browse lang ako sa internet nang nalaman kong siya ay online.. Medyo may katagalan ko na ring hindi nakakausap ang kaibigang ito sapagkat sya ay nasa malayong lugar.  Pero sa pakikipagkausap ko sa kanya kagabi, napansin ko lang na parang may kakaiba sa kanya; hindi ko alam kung ano pero pakiramdam ko ay mayroon siyang problema.  Iba kasi talaga ang pakiramdam ko; malapit naman kasi sa akin ang kaibigan kong iyo kung kayat aking nararamdaman na kakaiba ang pakikipagusap  nya sa akin kagabi. Sana ay okay lang sya at kung ano man sana ang kanyang pinagdadaanan ay malagpasan nya ang mga ito sa lalong madaling panahon.. Basta nandito lang palagi ako

36th Milo Marathon

Image
36th Milo Marathon Dahil sa husay ni Carlos na makumbinsi akong sumali para sa taunang marathon ng Milo, heto ako at registered na para sa 36th Milo Marathon na gaganapin sa ika-29 ng Hunyo, 2012..  Twentyone (21K) ang distansya na aking tatakbuhin para sa nasabing event katulad din nung nakaraang taon.. Si Carlos nga pala ang sabi nya sakin 21k din at nalaman ko din na ang pinsan kong si James ay tatakbo  ng kanyang kauna-unahang 21K sa pagkakataong ito.. Sigurado ako kayang-kaya ito ni James kasi regular naman syang nakakapag ensayo.. Last year nga sa 10k run nya sa Milo ang bilis nya eh, not bad for a first timer then. Nag text na ako kay Mark Quebec pero ang sabi nya sakin hindi daw sya nakapag register pero susubukan nya pa daw kung makakasali sya.. parang reunion daw ng mga Stat Runners ng edata. He he he. Sa Riovana ako ng register. Ito ay isang running store sa Katipunan (tapat ng Ateneo) na sa palagay ko ay pagaari ni Coach Rio Dela Cruz. Muntik na akong hindi umab

TULAD LANG NG DATI

Hinintay ko nitong mga nakaraang mga araw, pero hindi dumating... Bakit ba naman ako magtataka Eh ganun din naman dati... Naghintay ako pero hindi sya dumating... Buhay nga naman.. Gandang umaga! Kape tayo..

HINDI MAKATULOG

Ang lamig ng panahon.. Madaling araw na... Umuulan... Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng pagbagsak ng ulan sa bubong ng aming bahay.. subalit hindi ako makatulog... Bigla na lang may nagbabaliktanaw sa aking gunita. Akala ko wala na ito pero bakit bumabalik pa rin ang iyong alaala... Lumisan ka na pakiusap ko.. Okay na ako. Tama na... Gusto ko nang makalimot. Nais ko nang matulog. Haaayyy... Umagang kay Ganda! Kape tayo...

IM BACK

Matagal-tagal din akong hindi nakapag post dito sa blogger.. Nagkasakit kasi ako ng Bell's palsy nung May 18.. At least maganda na ang pakiramdam ko ngayon at almost fully recovered na ang aking mukha. Salamat sa mga nagdasal, nangamusta,nag text at tumawag sa akin,tunay ko talaga kayong kaibigan.. Gandang hapon! Kape tayo

PAALAM KAIBIGAN

Nasa legisklative hall ako ng city hall ng pumasok si monet.  Tumawag daw ang kaibigan naming si Beth kaya tinawagan din nya ito.  Paalis na kasi sya pabalik sa Riyadh.   Ingat ka palagi mahal na kaibigan...  Panalangin ko ang iyong kasiyahan.   Nandito lang kami...

VICTORY LINER STATION

Kapag napapadaan ako sa Cubao at  nakikita ko ang istayon ng Victory Liner ay naaalala ko ang ilang tagpo... Mga tagpong masaya pero minsan din ay malungkot... Haaayy..... ganyan talaga ang buhay! Gandang hapon! Kape tayo...

ONE RAINY AFTERNOON

ONE RAINY AFTERNOON - maari bang wag ka nang sa piling ko'y lumisan pa... hangga't ang hangin at ulan ay tumila na.... Nandito ako ngayon sa quezon city hall... nakinig ako ng city council session kanina... Medyo nagiba lang ang mood ko bigla ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan... nalulngkot ako  bigla dahil meron bigla akong naalala.  Ha ha ha!  Gandang hapon! Kape tayo...

SUPER HOT

galing ako sa COA kanina, nagpunta lang ako kay tita ghel at may dinala lang dokumento..  parang umaapoy sa sobrang init ang kalsada..  siguro kapag uusok ang yosi kapag sinindihan mo ito sa semento... Gandang hapon! Kape tayo...

Sari-Sari Together

Nakakapagod.. Inaasikaso ko kasi ang pinapatayo kong mini grocery... ha ha ha.. sari-sari store lang pala.  Umalis na kasi yung nakatira sa tindahan ni ermat kaya ako na muna pansamantala ang magtitinda sa lugar na iyon at sayang naman... Wish me luck! baka dito ang mas magaling.. ang mag business... hmnn... why not Magandang Gabi! Kape tayo...

Fiscal Administration and Management

Image
Patungo akong Tagaytay bukas para sa isang seminar-workshop tungkol sa Fiscal Management and Administration.   Ito ay isang imbitasyon mula sa Barangay Operation Center (BOC) ng Lungsod Quezon. Ito ay tatagal ng tatlong araw hanggang Sabado.  Sa Emiramona Garden Hotel kami mag-stay. Sana magkaroon ako ng free time para makatakbo naman kahit papaano sa Tagaytay. Malamang medyo masarap tumakbo doon dahil sa lamig at sa taas ng lugar. I am praying for a safe trip. Umagang kay Ganda! Kape tayo...

I Will Run Again.. I Must...

Image
During QCMC's 2009 edition Medyo halos tatlong buwan na rin ako yatang hindi nakakatakbo! medyo bumibigat na yata ang aking dati nang mabigat na katawan!  Pero in fairness nakakapaglaro na naman ako ng basketball nitong mga nakalipas na panahon..  Medyo mabilis mapagod nung una, pero kahit naman papaano ay lumalakas na rin ng bahagya ang aking resistensya. Ganun siguro talaga ang pakiramdam kapag tumatanda. Pero sisimulan ko na muna sa pagtakbo para naman hindi magbigla ang aking katawan. Tama! tatakbo na ulit ako! Pangako! Umagang kay Ganda! Kape tayo...

NBA ALL STAR WEEKEND IN ORLANDO 2012

Image
Nanonood kami ngayon ni George ng NBA All-Star Weekend! Nakakatuwa panoorin ang mga malulupit na NBA players. Kanina skill challenge, then 3-point competition.. Now, here's my favorite.. the SLAM DUNK contest.. Bukas yung all star game naman ang gaganapin! Bukas ko na lang i-post kung sinu-sino ang mananalo.. Enjoy! Umagang kay Ganda! Kape tayo...

MISS YOU???

Kumain ako ng Siopao kagaabi, dahil dito bigla kitang naalala... di lang ako sure kung naaalala mo din ako... Gandang hapon! Kape tayo...

WALANG PLASTIK

WALANG PLASTIK - Nagpunta ako sa paborito kong restaurant kanina, ang Ma Mon Luk... Umorder lang ako ng dalawang special siopao at pinabalot ko (take-out/to-go)... Humingi ako ng plastic bag dun sa kahera pero ako'y nabigo.. "Sir, wala po kaming plastik" ang wika nya.   Medyo nahirapan akong iuwi sa bahay ang mga siopao na nabanggit; nakamotor ako po kasi ako... Kaya nag tuck-in na lang ako ng t-shirt at pilit kong pinagkasaya sa damit kong suot ang dalawang bagong luto at mainit na pagkaing Intsik.  Pero, naisip-isip ko, okay din naman pala kung walang plastik, kasi kahit papaano makakatulong ka laban sa pagkasira at pagdumi ng kalikasasan.  Kaya, sa susunot na pagpunta ko sa Ma Mon Luk o sa ano mang bilihan ay magsusumikap na lang akong magdala ng isang eco-friendly bag para hindi na mayuyupi na parang palitaw ang aking paboritong asado at bola-bola. Mahirap na at baka magbago pa ang lasa! He he he! Gandang gabi! Kape tayo...

Sariling Wika

Nakakatuwa ang impeachment trial sa araw na ito sapagkat ginagamit ng abogado ng prosekyusyon na si Rep. Daza at ng testigo na si Kalihim Lila DeLima ng Kagawaran ng Katarungan ang ating wikang pambansa, ang wikang Pilipino. Sa aking pananaw ay mas mauunawaan ito ng mas nakararaming mamamayan upang mas matalino silang makapagbigay ng kanilang sariling opinyon sa naturang mga akusasyon laban sa Punong Mahestrado ng Kataas-taasang Hukuman ng ating bansa... Wala na talagang mas sasarap pa sa wikang sariling atin di tulad ng wikang banyaga. Umagang kay Ganda! Kape tayo...

TODAY IS ASH WEDNESDAY

Image
"I have heard of thee by the hearing of the ear: but now mine eye seeth thee. The other eye wandereth of its own accord. Wherefore I abhor myself, and repent in dust and ashes." Job: 42:3-6 Umagang kay Ganda! Kape tayo...

FAMILY DAY

Image
FAMILY DAY - Sumaglit kami sa TriNoma nung Sunday pagkatapos naming magpunta sa duktor ni Mildred; hindi na kami nagtagal masydo ni Mildred para hindi na siya masyadong mapagod... Umagang kay Ganda! Kape tayo...

Just Like Her Sister

Nakakatawa kapag nalaman mo na ang gawain ng isang tao ay halos na parehas na gawain din ng kapatid niyang bebot.  Hindi ka pa bang napupulot na aral mula sa mga karanasan ng utol at inuulit mo pa.. katangahan yata ang tawag dyan. May pagkakataon ka pa... Hanggang bata ka pa ayusin mo ang direksyon ng buhay mo.. Tsk tsk tsk Umagang kay Ganda! Kape tayo...

Happy Walk 2012

Image
Noong Linggo ay nakiisa kami ni Mildred sa pagdiriwang ng Happpy Walk 2012; ito ay isang taunang proyekto ng Down Syndrome Association of the Philippines.  Kaisa kasi sa programang ito ang Department of Health.  Ito ay ginawa sa Sky Dome sa SM North EDSA. Kahanga-hanga ang ang mga batang may Down Syndrome; ganun din ang kanilang mga pamilya at mga suppport groups na walang sawang sumusuporta sa mga batang may kapansanan.   Sa naturang event nakita ko kung gaano talaga kahalaga ang pagkalinga at pagunawa sa mga taong apektado ng mga disabilities.  Mapalad ang mga batang may mga magulang at pamilya na sumusuporta sa kanila; na patuloy na nagmamahal.  Saludo din ako sa mga organizers ng mga ganitong mga events sapagkat natutulunga nilang mamulat ang mga mamamayan tungkol sa isyung medikal na katulad nito. Umagang kay Ganda! Kape tayo... 

With Rob Wainright

Image
WITH ROB WAINRIGHT - Picture taken in 2009 during a Phillippine Team practice at "The Zone" sports facility in Makati City...This was also just after our championship game...

From Quiapo

Kakadating ko pa lang galing sa Quiapo para makapagpasalamat naman kahit papaano kay Nazareno... Nakisakay ako sa Rescue vehicle ni Mang Henry kasama sina Kuya Efren, Frenz, Boyet at Bong.  Kaninang hapon ay isinama ko nga pala sa Quezon City Hall si George. Tumambay kami ng kaunti sa opisina ni Konsehal Onyx at pagkatapos ay umuwi na kami sakay ng isang Taxi kasama si Monet, Jhona, at Anne.

ELLEN AND EDWIN'S THIRD DAUGHTER

Image
Pumunta ako kanina sa Masambong para sa binyag ng pangatlong anak na babae nila Ellen at Edwin. Nag tricycle lang kami at nagpahatid kay kuya Reinier; delikado kasing iangkas si George. Ang nakakatawa, dumeretso kami ni George sa Posooy street; akala ko kasi dun ang reception sa tinitirahang apartment nila edwin gaganapin yun pala dun sa bahay ng mga magulang ni Ellen sa Inaman gagawin.  Nauna pa nga kami ni George sa mga ninang at ninong na sa mga oras na iyon ay nasa simbahan pa. Mamaya-maya ay dumating na rin si Astrobal at si Monet kasama ang asawa niyang si Khenjie at ayun nagkainan na rin kami.  Welcome to the Christian World Eihreen Heart!

OCHOA'S Alleged 100M Offer

The defense panel of SJ Corona conducted a press conference about an hour ago reporting the Presidential Executive Secretary Ochoa is calling members of the Senate asking the senator-judges urging them to allegedly refuse to obey the Temporary Restraining Order issued of the supreme court regardeing the foreign accounts (dollar account) of SC Corona. Medyo nakakabahala lang po talaga ang pangyayaring ito sapagkat puro alegasyon na walang basehan ang nangyayari.  Ayaw kong husgahan ang mga abogado ng depensa subalit parang napakababaw ng kanilang nabanggit na issue. Siguro mas maganda na lang para sa ating mga mamamayang Pilipino na magmatiyag at magusisa upang ang katotohanan ay lumabas sa kabila ng lahat ng kaguluhang ito.  Gandang Gabi! Kape tayo...

FIREFIGHTING TRAINING

Image
Nagkaroon ako ng pagkakataon nitong nakaraang weekend na makasama sa isang fire fighting seminar na isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pakikipagtulungan ni Councilor Anthony Crisologo.  Ginanap ito sa Quezon City Hall.  Napaka-informative ng 3-day seminar na yun; may lecture and actual training sa first aid, bandaging, transfer, CPR, fire safety, at syempre sa firefighting.   Here are some of pictures of the above-mentioned event.

GOOD MORNING

Kapag nag ring ang telepono mo tapos hindi naka register ang number ng caller parang ayaw mo sagutin kasi baka frank caller lang.. Pero once na malaman mong kakilala mo ang tumawag ay natutuwa ka sa desisyon mong sagutin.. Pero? dapat nga ba akong matuwa? siguro mas mainam na sabihin na dapat akong magtaka... Bakit nga ba? Ganun pa man, salamat sa pagtawag.. Umagang kay Ganda! Kape tayo...

ABOUT THE IMPEACHMENT

Ilang araw ko na ding pinapanood ang impeachment proceeding sa senado; pero alam nyo, mas gusto kong panoorin ang proseso at magbigay ng sarili kong opinyon kaysa ibigay ang opinyon na naibigay na ng mga komentarista sa telebisyon. Kasi sa mga paguusap kapag inulit mo lang ang analysis ng isang broadcaster ay lalabas ka lang na gaya-gaya. Mas cool kung manood at makinig ka ng mabuti at kapagdaka'y magbigay ka ng iyong matalinong pananaw. May sarili ka din namang pag-iisip eh.. Kapag inulit mo sinabi ng iba ay isang uri ng pagaaksaya ng laway.. Gets mo? Gandang umaga! Kape tayo...

IF I KNOW THE FUTURE, IKAW ANG UNANG MAKAKAALAM...

There is such a thing that always plays in my mind is that someday I will have the ability to know the future.  Dati ko pa yata ito gusto... Ganun din ang fetish ko to go back in the past.. As in back to the future adventure talaga. Siguro ang saya nun? siguro maligaya ako dun? Obviously, hindi naman talaga mangyayari yun, pero to make the fantasy more exciting ay gumawa ako ng list ng things to do kung makakapunta ako sa past 1.  Bata pa lang ako aayusin ko na ang ngipin ko. 2. Bibili ako ng growth balls. 3.  Mag-apply ako ng scholarship para maging duktor. 4. Kung hindi ako magiging doktor papasok na lang ako sa nursing school. 5. Magpapatayo ako ng sariling hospital. 6. Mag wowork out ako ng mabuti 7.  Sampung beses kong tatapusin paulit-ulit ang high school. 8.  Gusto kong maging doktor si George. 9. Gusto kong maging basketball player. 10. At madami pang iba.. to follow yung iba... Saya! Umagang kay Ganda! Kape tayo...

HIRAP MATULOG

Madaling araw na ako nakatulog pero wala naman akong ginagawa.  Natapos ko na yung DVD pero hindi pa rin ako inaantok. Bago ako humiga kagabi ay tumakbo muna ako ng kaunti para naman kahit papaano ay pagpawisan ako. Tumakbo ako mula sa bahay patungong Frisco (via West Riverside).  Dumaan pa nga ako sa tapat ng bahay ng dati kong classmate na si Bien pero wala naman siya doon kaya nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo. Nagpahinga lang ako ng kaunti sa 7-11 sa Frisco for a water break; siguro mga 15 minutes lang ako dun tapos takbo na ulit pauwi sa bahay. Medyo napagod na rin ako pero ayaw pa rin talaga ako antukin. Ewan ko ba, may mga bagay na hindi maalis sa isipan ko. Hindi ko naman iniisip pero parang kusang pumapasok na lang sa pananaw ko. Bakit may mga bagay na dapat mangyari at bakit may mga bagay na hindi nangyari ang ilan sa mga katanungan kol; ano ang dapat gawin at ano ang mangyayari sa kinabukasan. Siguro, talagang may mga bagay na wala tayong control at tunay na wala na tayong

MABUHAY LATVIA

Yahooo! May mga reader na rin pala ang blog na ito sa Latvia...  Maraming salamat sa inyo diyan...  Sana po ay makasama nyo na rin ang mga pamilya nyo sa susunod na pasko... Mabuhay kayong lahat dyan mga bayaning Pilipino! Gandang Umaga!  Kape tayo...

AKALA NYA LANG

Madalas akala mo lang daw na ikaw ang palaging nasasaktan sa mga sitwasyon o mga pangyayari.  Pero naisip mo na ba na nakakasakit ka din. Noong magkasama kayo na inaakala nya na ngang parang tira-tirang oras na lang ay mas minabuti mo pang i-entertain ang isang caller sa cellphone mo.   Hindi mo nga ito sinagot pero wala na pre-occupied na ang isipan mo tungkol sa kanya kung kaya't  nagmamadali ka nang makauwi. Sabagay sino ba naman siya daw para magtampo kundi daw isang taong wala namang karapatan.   Kaya huwag mo naman daw palaging sinasabing kaw lang ang nasasaktan. Parehas lang kayo.. Parehas lang...

ONCE A SCOUT... ALWAYS A SCOUT...

Image
Picture courtesy of Mrs. Ruflo Nagkita-kita kami kagabi ng ilang tropa sa bahay nila Roy.  Nag text sakin si Roy na nandun sa bahay nila si Ruthlyn (lalaki sya) kasama ang kanyang asawa (Gean). May katagalan na rin ng huli kaming nagkita-kita lalo na si Ruthlyn.  Magkakasama kaming tatlo sa Senior Scout Unit ng SOSHS dati. Senior Scribe, Advancement Chairman at 3rd Year SPL.  Masaya ang kwentuhan kagabi at syempre hindi mawawala ang mga masasayang tuksuhan.  Humabol nga din pala sina Astro at Angel na lalong nagpasaya sa gabi.. It was nice seeing you fine gentlemen once again!

HE IS UPDATED

Galing kami kina Ellen at Edwin kagabi; ipinanganak na kasi ang kanilang ikatlong anak; babae na naman.. Congrats Edwin and Ellen.  Nakakatawa nga dahil kakarating lang yata nila sa bahay at hindi pa masyadong nakakapagpahinga.  Ang saya ng kwentuhan ng mga magkakaibigan dun..  Nandun sina Roy, Vincent, Astro, ako, Edwin and Ellen.   Pero mas natuwa ako kay Roy kasi pakiramdam ko ang dami niyang nalalaman tungkol sa akin; ewan ko lang kung pakiramdam ko lang yun pero parang tama ako..  Praning? ha ha ha... Ginabi na kami ng uwi dahil medyo nagkatuwaan pa. Very accomodating naman ang mag-asawa kaya dahil dun ay nagpapasalamat ako sa kanila.   Muli, congratulations sa inyong new baby Edwin and Ellen.   Till we meet again...

CHICKSILOG... PORKSILOG

Nagutom ako bigla kagabi kaya niyaya ko bigla ang pamangkin kong si Pim para maka late-night tsibog.. Dun kami sa isang kainan sa Frisco nagawi.. Naala ko bigla na may isang kainan dun na ang pangalan ay Tres Marias Eatery na nagluluto ng ibat-ibang mga pagkain.. Mura na masarap pa! wheeww! Busog! Gandang Hapon! Kape tayo...

BOY SCOUT ROY

Nakatanggap ako kahapon ng isang tawag mula sa isang number na hindi naka-save sa telepono ko.  Akala ko nga kung sino si pareng Roy Caballero pala.  Nandun daw sila sa bahay nila Vincent Abastillas. Balikbayan kasi si Roy mula sa bansang Saudi Arabia kung saan kasama nya dung naninirahan sa Riyadh ang kanyang misis.  Present dun sa kita-kita kagabi sina Astro, syempre si Vincent, Myla (na kakarating lang din galing Dubai) at si Angel dela Cruz na nakahabol din. Medyo late na nga din natapos pero ang mahalaga ay masaya ang pagkikita-kita ng magkakaibigan.. Welcome back Roy and Myla!
Image
VIVA NAZARENO! - Bayang nananampalataya at nananalig, Sa pagsubok ng buhay tayo ay titindig... Tayo'y magkakasama kapag Ika-siyam ng Enero, Huwag mangamba o matakot kasama natin ang Nazareno! Viva Senyor Nazareno! Viva Umagang kay Ganda! Kape tayo...

HIV THESIS

Sinamahan ko sa paligid ng barangay si Shiela; kaibigan ng pinsan kong si Chris. Isa siyang nurse at isa ding scholar ng Department of Science and Technology (DOST). Kailangan niya kasing mag conduct ng isang study (thesis) dito sa aming lugar tungkol sa behavior ng mga kabataan na (posibleng) maging biktima ng HIV na nagdudulot ng sakit na AIDS.  Baka next week, bumalik siya para masimulan na ang kanyang mga interviews.. Good luck sayo... Gandang Hapon! Kape tayo...

WHY NOT ALL

Tinanggal mo na rin lang yung ibang mga pictures... tanggalin mo na lang lahat!

MAGKAIBA

Image
Kape na magkasama... pero sa katotohanan ay magkahiwalay... MY ONLY VERSUS MY ORIGINAL I just wanted to reflect that saying that "You're my only" is totally a different thing like saying "you're my first" or saying "you're my original".  The first indicates truthfulness and the latter two indicates being a copycat and a fake indeed. PARANG LEFTOVER FOOD Here's another, spending quality time with somebody dear to you isn't the same "trying" to spend left time to an important person.. Napapa-English tuloy ako.  Iba pa yung kasama ka sa original na plano kaysa sa isinama ka na lang sa plano... DAKILANG BAYANI Masakit pala yung pinakiusapan kang gumawa ng isang punyal o espada na alam mong gagamitin sa pagpatay sa iyo... Akala ko sa pelikula lang iyon maaaring gawin sa totoong buhay din pala... tsk tsk tsk..

HARD TO SAY GOODBYE

Hindi na pala ako marunong makipag-usap ng matagal sa telepono; sumakit ang leeg ko.. Approximately 3-1/2 hours yata ang latest, akala ko nga sasabog ang telepono eh. It was really different this time compared to the last time. Everything was intense and the conversation was indeed heartfelt to both parties. One of the hardest thing to do is to say goodbye to someone that is very dear to you. And it was a real "goodbye" not because it will be the last time that you will see each other but it is the fact that it will be a certain different ballgame when you will see each other again and things will never be just the same.. Ang bigat sa damdamin kapag ganun...  Kapag ang mga tao pala ay nagkakasakitan sa isat-isa, imbis magkaayos ang mga bagay-bagay at baka malayo pa ang damdamin sa isat-isa.. Nakakatuwa lang na ang huling bagay na narinig ko sa kanya ng huli sa telepono ay ang pinakamahalagang mga salita na maari kong marinig sa kanya.. at ayun na yun! para sakin moments na yu

IDAAN SA TULA

Image
IDAAN SA TULA - Sa pagtatapos ng taon na ito, Tanging kasayahan at tuwa ang nais ko para sa inyo... Nawa'y maging masagana ang papasok na taon, Samantalahin ang panahon at pagkakataon... Sa inyo mga mahal kong kapamilya, kaibigan at mahal  sa buhay, Dalangin ko'y hindi kayo manamlay... Sapagkat inyong kaligayahan ang aking hiling, Ito ang tunay kong dasal at panalangin... Patawad kung kayo man ay aking nasaktan, Sapagkat ako ay tao at hindi lahat ay nalalaman... Kung kaya't hiling ko sa inyo'y kapatawaran, Sa aking mga mga nagawang pagkukulang... Sa taong dalawang libo labingdalawa, Sana sa puso at isipan tayo pa rin ay magkasama... Sa pagsubok ng buhay tayo ay magkakampi, Magbago man ang taon ito'y palaging mangyayari... Manigong Bagong Taon! Kape tayo... Kgd. Christopher " Topey Angad " and Family