36th Milo Marathon

36th Milo Marathon


Dahil sa husay ni Carlos na makumbinsi akong sumali para sa taunang marathon ng Milo, heto ako at registered na para sa 36th Milo Marathon na gaganapin sa ika-29 ng Hunyo, 2012.. 

Twentyone (21K) ang distansya na aking tatakbuhin para sa nasabing event katulad din nung nakaraang taon.. Si Carlos nga pala ang sabi nya sakin 21k din at nalaman ko din na ang pinsan kong si James ay tatakbo  ng kanyang kauna-unahang 21K sa pagkakataong ito.. Sigurado ako kayang-kaya ito ni James kasi regular naman syang nakakapag ensayo.. Last year nga sa 10k run nya sa Milo ang bilis nya eh, not bad for a first timer then.

Nag text na ako kay Mark Quebec pero ang sabi nya sakin hindi daw sya nakapag register pero susubukan nya pa daw kung makakasali sya.. parang reunion daw ng mga Stat Runners ng edata. He he he.

Sa Riovana ako ng register. Ito ay isang running store sa Katipunan (tapat ng Ateneo) na sa palagay ko ay pagaari ni Coach Rio Dela Cruz. Muntik na akong hindi umabot sa registration, last 2 slots na lang daw kasi ang meron para sa 21k.

Matagal na akong hindi nakakasali sa isang running event. Ang huling nasalihan ko ay yung sa Earth Run last year sa Fort Bonifacion kung saan tumakbo din ako ng 21k.  Na-miss ko din ang pagtakbo kaya kahit konti na lang ang aking magiging preparasyon ngayon ay sumali ako..

Nung nakaraang gabi ay nagsimula na ako ng paunti-unting ensayo. Medyo okay naman ang  nagiging pakiramdam ko kaya tingin ko matatapos ko naman ang 21k na yun ng maayos..

Sa mga tatakbo para sa 36th Milo Marathon ngayong taon, good luck sa inyong lahat! Sana maging maganda ang panahon hindi katulad last year na bumubuhos ang napakalakas na ulan!

Keep on running! Kape tayo...


Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...