SONA 2012



Habang ginagawa ko ang post na ito, ay kasalukuyan akong nakikinig sa radyo at nagaabang sa talumpati ng pangulong PnoY Aquino para sa State of the Nation Address (SONA) 2012.  Sana mabanggit ng pangulo ang mga hinihintay kong mga issue na sana ay kanyang bigyan ng pansin.

Kagabi, ay kausap ko sa chat ang isang dating kaiibigan. Nagb-browse lang ako sa internet nang nalaman kong siya ay online.. Medyo may katagalan ko na ring hindi nakakausap ang kaibigang ito sapagkat sya ay nasa malayong lugar. 

Pero sa pakikipagkausap ko sa kanya kagabi, napansin ko lang na parang may kakaiba sa kanya; hindi ko alam kung ano pero pakiramdam ko ay mayroon siyang problema.  Iba kasi talaga ang pakiramdam ko; malapit naman kasi sa akin ang kaibigan kong iyo kung kayat aking nararamdaman na kakaiba ang pakikipagusap  nya sa akin kagabi.

Sana ay okay lang sya at kung ano man sana ang kanyang pinagdadaanan ay malagpasan nya ang mga ito sa lalong madaling panahon..

Basta nandito lang palagi ako at ang ating mga kaibigan. Alam mo naman na napakalakas mo sa akin at tayo ay palagiang magkakampi.. Kampi sa lahat ng pagkakataon.

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...