IDAAN SA TULA



IDAAN SA TULA - Sa pagtatapos ng taon na ito,
Tanging kasayahan at tuwa ang nais ko para sa inyo...
Nawa'y maging masagana ang papasok na taon,
Samantalahin ang panahon at pagkakataon...

Sa inyo mga mahal kong kapamilya, kaibigan at mahal sa buhay,
Dalangin ko'y hindi kayo manamlay...
Sapagkat inyong kaligayahan ang aking hiling,
Ito ang tunay kong dasal at panalangin...

Patawad kung kayo man ay aking nasaktan,
Sapagkat ako ay tao at hindi lahat ay nalalaman...
Kung kaya't hiling ko sa inyo'y kapatawaran,
Sa aking mga mga nagawang pagkukulang...

Sa taong dalawang libo labingdalawa,
Sana sa puso at isipan tayo pa rin ay magkasama...
Sa pagsubok ng buhay tayo ay magkakampi,
Magbago man ang taon ito'y palaging mangyayari...

Manigong Bagong Taon! Kape tayo...

Kgd. Christopher "Topey Angad" and Family

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...