Tsinelas Leadership



Natuwa talaga ako ng sobra dun sa bansag na Tsinelas Leadership para sa pamamahala ng namatay na secretary ng DILG na si Sec. Robredo.

Yun kasing tsinelas leadership marahil na nabanggit ay sumasalamin para sa style ni Robredo at para din sa mas nakararaming tao na kanyang pinaglingkuran.. ang masang Pilipino..

Malaki ang responsibilidad bilang pinuno ng DILG; hawak nya ang kapulisan, ang BFP at ang mga LGU sa buong bansa..

Aral yun para sa ating lahat na hindi naman natin kailangang maging magara, mayaman o masyadong elegante upang makapaglingkod; mas ayos pa nga yung payak at simpleng paraan para mas lalo tayong maabot ng mga nangangailangan. Nakatitiyak ako na naipakita ito sa atin ni Robredo; paulit-ulit sa media na sinasabi na sana ay huwag masayang ang mga punlang kanyang itinanim para ang mga ito ay mapakinabangan ng susunod pang mga henerasyon...  

Isa siyang bayani! Bayani hindi ito ay kanyang hiningi sa atin kundi bayani dahil ito ang nararapat na ibigay sa kanya dahil tunay siyang mahal at hindi makakalimutan ng sambayanang Pilipino..

Late man ang note kong ito... saludo ako sayo sir!

Comments

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...

Titi ni Pacquiao