Rainy Day.. Rainy Hearts

Dalawang araw na masama ang panahon..
sumasabay ang malakas na hangin at lakas ng ulan sa kulimlim ng kalangitan....
Ganun di ang tropa naming mga batchmates sa soshs batch 93..
Sa mga oras na ito, magkakasama muli ang mga tunay na magkakaibigan sapagkat pabalik nang muli sa gitnang silangan ang kasama naming si beth pagkatapos ng halos isang buwan niyang bakasyon dito sa ating arkipelago. 
 
Masarap man ang tsibog na pulutan at ang masarap na alak ay hindi ito sapat upang mapawi namin ang kalungkutan na alam naming nadarama ni betchay.
Mahirap mawalay sa kanyang pamilya subalit kailangan nyang gawin ang pagpunta sa riyadh upang kanyang mabigayan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.
 
Ang mga present sa gabing ito. simulan ang roll call...
Ako..
Mary Ann Rabanes
Joven Guerrero
Bien Buan
Monet Ponce
Jonathan Calamasa
 
Sa iyong pag-alis sa bansang dayuhan...
Alalahanin mong ikay aming kasama san man kami mapadpad
Ang iyong tawa na tunay na maganda.
Ang baon ng buong tropa san man kami magpunta.
 
Von Voyage!!!!

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...