My Very Late Pacquio-Mosley Post Fight Analysis

Medyo tatlong araw na bago ako makapag komento sa laban nila Pacquiao and Mosley na ginanan nung Linggo (Manila Time)...
 
Heto ang ilan sa mga komento ko...
 
Lumuwag talaga ang trapiko...
Parang Viernes Santo.. animoy humihinto ang inog ng mundo kapag laban ni Manny..
 
Tama ng pag-awit ni Charisse
 
Kung buhay si Julian Felipe ay tiyak na matutuwa siya spagkat inawit ito ng sikat na batang si Charisse ang Lupang Hinirang ng tama at ng may buhay..
 
Ang Baduy ni Mosley
 
Tulad ng nakadaming nanuod, dismayado tayo kay Mosley... parang ayaw lumaban.. mas nais pa niyang tumakbo... Eh kahit ako hindi ako kayang i-KO ni manny basta tatakbuhan ko lang sya ng 12 rounds... bading...
 
Tao lang ang referree
 
Tingin ko talaga tulak lang ang tinawag na KO  sa 10th round against manny... nabigla siguro yung referree kaya ganun.. hindi naman nabagi ang decision ng mga hukom.. unanimous decission pa rin pabor sa Pilipino.
 
Salbahe ang kamay ni Pacquiao
 
Ibang klase ang kamay ni Manny.. pati dun sa picture nila ni Paris Hilton.... ang taas ng hawak.. hindi sa baywang.. tsk tsk tsk.... kaw talaga congressman...
 
Jinky is stunning
 
Ang ganda na rin talga ni Mrs. Pacman.. parang umiilaw na rin ang kutis nya parang kay Kris Aquino... iba talaga kapag may datung... salamat doktor...
 
Ang galing ng Pinoy
 
Pinoy ang bida nung araw na yun.. karangalang ang ibinigay sa atin ni Manny Pacquio.....
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...