Posts

Showing posts from May, 2011

I Hate the Graveyard Shift

Night shift ako ngayon at sa susunod na dalawang Linggo... 10pm to 6am ... Kaya, habang kasalukuyang masarap ang tulog ng nakararami,   ay heto ako at pinipilit idilat ang aking mga mata sa paghahanap buhay... Kanina pa ako nagaabang sa orasan pero parang napakabagal nito sa pagandar.. Parang matutuyo ang aking mga dugo sa antok.. I hate this shift.. Bad trip! :(  

Baby George's First Ma Mon Luk Gastronomic Experience

Image
Dinayo namin ni George kasama namin si ermat ang Ma Mon Luk dun sa Quezon Avenue cor. Banawer Street dito sa Lungsod Quezon... First time nyang makapunta dun at mukhang hindi naman ako napahiya sa anak ko dahil masarap nyang kinain ng Special Shopao na inorder ko.. Ako naman syempre at si Mama ay shopao din at isang malaking mangkok ng Special Mami..   Hindi pa rin ako pinahiya ng Ma Mon Luk... How I wish that the taste of that Legendary restaurant will stay the same.. forever... Haaayy... sarraapppp....  

Ang Dilaw na Kapote...Bow!

Dahil sa patuloy na pagulan ngayon sa kalakhang Maynila, ay muli kong binuhay ang aking Dilaw na Kapote... Ang lakas pa rin kasi ng buhos ng ulan kanina kaya kahit hindi komportable ay ginamit ko ang kapote... Anga bagal nga lang ng biyahe medyo madulas kasi ang kalsada kapag umuulan...

Hyundai Accent Run Pictures 2011

Image

2011 East NBA Champs

Image
Nakapanood ako ng NBA Playoffs kaninang umaga Panalo ang kopopnan ng Miami Heat laban sa Chicago Bulls para masungkit ng 2011 East Conf Championship... Ang galing ni Lebron parang halimaw maglaro (mukhang halimaw din siya).. Next week magsisimula ang series nila laban sa Dallas Mavericks... Sino kaya ang magwawagi at sino ang uuwing luhaan at magsasabing next time.. Abangan...  

Basang-Basa Sa Ulan...

Image
Papunta ako dun sa JolliJeep kanina para magmeryenda... Makulimlim ang panahon nang biglaang bumagsak ang isang napakalakas na ulan... Talagang napakalakas! Pero mabilis din itong huminto! Parang binasa lang talaga ako! Kaya ako.. Ayun! Basang-basa ang pantalon... Basang-basa sa ulan!

Mavs is 2011 NBA Western Conference Champs

Image
Isa na namang come from behind victory ang kinana ng Mavs kanina laban sa Oklahoma Thunder para madale ang Wester Conference Championship sa NBA... Lupit ni Nowitzki sa 4th quarter and iba din ang role playing job na ginawa ni Marion... Sino kaya makakalaban nila sa NBA Finals next week..   Bulls or Heat.... Abangan...    

Bagyong Chedeng

Image
Medyo malakas ang hangin at ulan kanina.. Buti na lang at nakarating ako sa opisina bago bumagsak ang ulan.. Baka daw sa Biyernes o Sabado ng umaga maramdaman ng husto ng bagyong si Chedeng dito sa Metro Manila sabi ng PAGASA... Sana okay lang ang mga kababayan nating apektado... Ingats!   Chedeng Go Away! Come Again Another Day!    

Tagulan na sa Biyernes

Sabi ng PAGASA, baka daw sa Biyernes ay maideklara na officially na simula na ng panahon ng tagulan... ibig sabihin nito ay tapos na ang tagaraw.. parang bitin pa yata sa araw ang mga bata... konti pa lang kasi ang nakikita kong may bungang araw eh... extend nyo naman please.....

World Hypertension Day 2011

Image
Kaninang umaga ay sinamahan ko si Mildred sa Quezon City Memorial Circle para sa mga activities nila bilang kawani ng Department of Health at siyempre para din sa pagdiriwang ng World Hypertension Day 2011.   Madaming mga gawain ang kanilang isinagawa dun sa covered court ng QC Circle … Samantalang ako naman ay sinamantala ang pagkakataon na makatakbo sa malawak na parke at makapag jogging… Okay naman ang takbo kaninang umaga at okay din ang bahagyang sikat ng araw…   Nakasali pa nga ako sa group aerobics dun mismo malapit sa QC Monument… Ganda ng pakiramdam kanina…. At least habang naghihintay kay misis nakapag exercise pa… saan ka pa?

Edata Fun Run 2011

Image
Heto ang ilan sa mga pictures ng Edata Fun Run 2011 na ginanap noong Sabado, Ika-14 ng Mayo sa Ayala Triangle Gardens sa Lungsod ng Makati ….

Game 2 NBA Western Conference Finals

Image
Napanood ko yung game 2 ng Western Conference Finals kanina para sa 2011 NBA Playoffs… Laban pa rin ito ng Dallas at Oklahoma …. Matindi si Kevin Durant, parang isang beteranong basketbollista kung kumilos…. Now we have the series tied at one game a piece ; just like in the Eastern Finals in which the Bulls and the Heats have won one game each… This is going to be one helofa finish….

Itim na Nazareno sa San Antonio

Image
Napakapalad ng mga taga Barangay San Antonio sapagkat tayo ay binisita ng Itim na Nazareno na nagmula pa sa Quiapo sa Lungsod ng Maynila.   Ilang araw din siyang mananatili dito sa Parokya ng San Antonio de Padua. Para sa akin ay isa itong pagpapala sa ating lugar.. Sapagkat sa taong ito ay ipagdiriwang nating ang ika-25 aniversaryo ng pagkakatatag n gating parokya dito sa ating mahal na barangay…   Maraming salamat po sa inyong pagdalaw Mahal na Nazareno!!!  

Big Brother (Opisina Edition)

Image
Wag daw muna kikilos ng hindi nararapat… Pinapanood daw kasi kami ng mga kinauukulan mula sa Estados Unidos.. Meron daw kasing pagpupulogn dun ang mga tigre't mga leyon... Parang tanga lang… Marketing strategy na bulok.. Parang ka lang nasa Big Brother House… Pinapanood ka ng madla.. Para kang nasa loob ng isang malaking aquarium… Kuya Ikaw bay an?  

It's Alive

Tulad ng pagkabuhay ng Panginoong Hesus kay Lazarus pagkatapos ng apat na araw na pagkamatay, ang aking Nokia X3-02 ay muling nabuhay pagkatapos ng halos tatlong araw na pagkakahimlay-salamat sa mahusay na mga ekspertong technician ng Nokia Care Center sa SM North EDSA…        Ang problema ko ito-nabura lahat ng "contacts" ko sa phonebook… ganun pala yun parang nag re-start lang ng computer….   Kaya mga kaibigan, pakiusap naman, i-text nyo naman ako para mai-save ko ng maayos ang mga cellphone numbers ninyo.. Maraming salamat…

Ulan sa Tagaraw

Image
"Raindrops keep falling on my head.. but that doesn't mean my eyes will soon be turning red crying 's not for me Cause I'm never gonna stop the rain by complaining because I'm free Nothing's worrying me...."   Dalawa lang nman ang klima dito sa ating bansa... Tagaraw at tagulan... Dati kapag ganitong panahon at bakasyon ng mga kabataan,  sabi ng ilang mga matatanda ay nakakagaling daw ng karamdaman ang "Unang Ulan ng Mayo"... Kaya sa pagaakalang totoo ito ay pinapaligo kami dati sa ulan kapag bumagsak na ang ulan sa buwan ng Mayo. Isa ito sa mga masaya kapag bata ka (or kahit matanda ka na).. ang pagligo sa Ulan... Kapag bata ka hindi uso sayo ang salitang hypothermia... kaya kahit nanginginig ka na sa lamig gusto, mo pa ring magtampisaw at makipaglaro sa mga kaibigan sa tuwinang umuualn...   saraaapppp!!!!  

Dallas Mavericks VS Oklahoma Thunder

Image
Basketball Fundamental-- ito ang ipinakita ng Ni Dirk Nowitsky sa game 1 series nila laban sa Thunder.. Malupit na shooting at mas magandang ball movement ang kanilang ginawa kanina.  Husay..

No Cellphone Day

Image
Napagalaman ko kaninang umaga na may problema ang aking Nokia X3-02.. Kusa syang namamatay ang power kaya daglian ko siyang dinala sa Nokia Care Service Center sa SM Annex North EDSA... Mga dalawang araw daw bago ko makuha kaya heto ako ngayon at nabubuhay ng walang telepono... but the show must go on! it's BUSINESS AS USUAL.....

My Motorcycle Key

Nakalimutan ko kanina yung susi ng motor ko sa B5 Parking area ng RCBC Plaza... Medyo gutom na at pagod na rin kasi ako kaya nakalimutan ko... Buti naman pagbalik ko nanadun pa ang susi.. of course nandun pa din ang motor....Tumatanda na din talaga ako, medyo nagiging malilimutin na ako sa mga bagay-bagay...  

eData's Ayala Triangle Fun Run 2011

Image
Bukas ang kick-off start ng 2011 sportsfest ng edata... Bilang pagsisimul nito ay magkakaroon ng mini-fun run sa Ayala Triangle Gardens ng alas sais ng umaga... Kasali syempre ako to represent the Blue Team... Sana makatakbo ng maayos.. he he he.. wala na kasing ensayo masyado eh...

Agent Mike Irapta a.k.a. Tony Ferrer

Image
Nakita ko ang outfit ng isa sa mga ka-officemate ko, si Mike Irapta.. Naka-all white kasi sya.. Bigla ko tuloy naalala ang pinakasikat na agent ng bansang Pilipinas, si Mr. Tony Ferrer.... The original Agent X44....

Relaxed Day

Maaga kong natapos ang mga gawain ko sa opisina kaya medyo relax-phase lang ako... bihirang-bihira dumadating ang ganitong mga pagkakataon kaya heto ako ngayon at sinasamantala... Sarap din kapag medyo mabagal lang ang andar ng buhay, kapag parang minamasdan mo lang ang iyong kapaligiran at kapag masaya ang iyong damdamin.  Contentment and clear conscience yata ang tawag dito.. Sana manatiling ganito... Sana palagiang ganito.... Sarraaappppp......

I Waited.... Again... Again...

:( Kanina pa ako naka-online sa G-mail.... pero sayang lang ang paghihintay ko sapagkat wala naman akong napala... Parang familar sakin ang scenario...iba lang ang pamamaraan at iba ang panahon.... Ibang location... Ibang sitwasyon... Nangako pero hindi dumating... Ang tawag dun.... Di Na Natuto.... tsk tsk tsk.. kawawang nilalang.. :(

My Very Late Pacquio-Mosley Post Fight Analysis

Image
Medyo tatlong araw na bago ako makapag komento sa laban nila Pacquiao and Mosley na ginanan nung Linggo (Manila Time)...   Heto ang ilan sa mga komento ko...   Lumuwag talaga ang trapiko ... Parang Viernes Santo.. animoy humihinto ang inog ng mundo kapag laban ni Manny..   Tama ng pag-awit ni Charisse   Kung buhay si Julian Felipe ay tiyak na matutuwa siya spagkat inawit ito ng sikat na batang si Charisse ang Lupang Hinirang ng tama at ng may buhay..   Ang Baduy ni Mosley   Tulad ng nakadaming nanuod, dismayado tayo kay Mosley... parang ayaw lumaban.. mas nais pa niyang tumakbo... Eh kahit ako hindi ako kayang i-KO ni manny basta tatakbuhan ko lang sya ng 12 rounds... bading...   Tao lang ang referree   Tingin ko talaga tulak lang ang tinawag na KO  sa 10th round against manny... nabigla siguro yung referree kaya ganun.. hindi naman nabagi ang decision ng mga hukom.. unanimous decission pa rin pabor sa Pilipino.   Salbahe ang kamay ni Pacquiao   Ibang klase ang ka

Nothing To Do.... Naalala ko tuloy ang Pantranco

Image
:( Nakakatamad naman ang gabing ito... walang magawa... haaaisst... namimiss ko ang ilang mga bagay na dati-rati'y aking ginagawa... Makatakbo na nga lang mamaya para pagpawisan ng konti.. Tamang-tama medyo malamig ang panahon ayos na ayos sa pagtakbo.. Hmnn.... Makatakbo nga mula sa haybol hanggang Pantranco... Tapos pabalik ulit... Tama... That would be approx 4.4 km in total. Sigurado ako laylay agad ako mamaya sa pagod pag-uwi ko sa haybol. Haaisstt.....   Naalala ko tuloy yung dating Pantranco Bus Terminal sa kanto ng Roosevelt Avenue at Quezon Avenue... Makapagpost nga ng picture ng lumang bus na ito.. Haiiist.. kung anu-ano ang naiisip ko... Haiissttt.. :(    

Work Via LRT1

Image
Hindi pa rin gaanong maganda ang panahon sa araw na ito... Parati pa ring makulimlim at paminsan-minsan ay bumubuhos ang patak ng ulan.. Hindi ako sure sa forecast ng PAGASA ngayon kaya't minabuti kong mamasahe at bigyan ng isang araw ng bakasyon ang aking motor..   Nag LRT ako kanina... Open na kasi ulit ang Roosevelt Avenue Station dun sa may Munoz 9 (nag close ito last month dahil may nagbanggaang trains)... Medyo  malayo talaga ang biyahe kapag via LRT compared sa via MRT pero konting sakay lang at okay na... late ako ng ilang minuto pero okay lang hindi ako masyadong pagod sa  biyahe at nakatulog ako ng kaunti dun sa LRT..   Mamamasahe muna ako para naman maiba.. Kailan kaya ako makakatikim ng masarap na adobo? hmnnn... :-)

Rainy Day.. Rainy Hearts

Image
Dalawang araw na masama ang panahon.. sumasabay ang malakas na hangin at lakas ng ulan sa kulimlim ng kalangitan.... Ganun di ang tropa naming mga batchmates sa soshs batch 93.. Sa mga oras na ito, magkakasama muli ang mga tunay na magkakaibigan sapagkat pabalik nang muli sa gitnang silangan ang kasama naming si beth pagkatapos ng halos isang buwan niyang bakasyon dito sa ating arkipelago.    Masarap man ang tsibog na pulutan at ang masarap na alak ay hindi ito sapat upang mapawi namin ang kalungkutan na alam naming nadarama ni betchay. Mahirap mawalay sa kanyang pamilya subalit kailangan nyang gawin ang pagpunta sa riyadh upang kanyang mabigayan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.   Ang mga present sa gabing ito. simulan ang roll call... Ako.. Mary Ann Rabanes Joven Guerrero Bien Buan Monet Ponce Jonathan Calamasa   Sa iyong pag-alis sa bansang dayuhan... Alalahanin mong ikay aming kasama san man kami mapadpad Ang iyong tawa na tunay na maganda. Ang baon ng

KFC's Camp @ PICC

Hinatid namin kaninang umag sa Philippine Internation Convention Center ang mga Kids for Christ na taga sa amin para makilahok sa isang Kids Camp... kaya, 6 am pa lang ay biyahe na agad kami... Hanggang Sunday sila dun!  excited ang mga bata.... kitang-kita ko sa mga mata nilang nagniningning.. para lang pupunta sa isang summer outing...

Good Luck Kagawad Jesse

Last day na pala ngayon ng security guard naming si Jessie Boy!, na isa ding datign kagawad sa bayan ng Baras, Rizal.  After 4 years sa edata ay nagpaalam na rin ang masipag at mabuting guwardiya...Kung ano man ang plano mo sa buhay mo kaibigan... Good luck! God Bless!

Osama Bin Laden is Dead

Image
Public Enemy Number 1 is history!!!   Dedbol na ang mastermind ng 9/11 attack, si Osama Bin Laden.. natepok sya ng mga pwersa ng US military nung nakaraang araw.. isa itong tagumpay hindi lang para sa pamilya ng mga namatay nung 9/11 kundi tagumpay ng buong mundo.. Muslim man o Kristiyano..    

Titi ni Pacquiao

Image
Medyo naging mapaglaro at mabilis lang ang mata ko sa isang picture ni Cong. Manny Pacquiao sa May 5, 2010 Edition ng Manila Bulletin... wheww... liit lang pala ng TITI ng magaling at mahusay na boksingerong ito...   Good luck sayo sa laban mo kay Mosley sa May 8!  Muli mo itaguyod ang galing ng lahing Pilipino... Patunayan mong matibay ang titing Pilipino!!!!

RCBC's Fire Alarm Testing

Maganda ang ginagawa ng RCBC na regular na pag test ng fire alarm system nila... May mga memo naman na nagsasabi kung kailan ang mga ito.. Pero pakiramdam ko parang overkill ang testing kasi every month eh... Minsan hindi mo na malaman kung ang pagtunog ng fire alarm ay isang practice exercise lang or talagang may sunog nang nagaganap.... wag naman kasing buwan-buwan.. anong akala nyo sa fire alarm system nyo regla? wtf?

MyRedEyes

Hindi ako sure kung dahil sa sobrang init o dahil sa kulang sa tulog, pero pulang-pula ang mata ko kanina.... parang may sore-eyes.. buti na lang nabawasan ng bahagya ang pamumula pagkatapos kong ibabad ng patiwarik ang mga mata ko dun sa malamig na gripo.. Heto ako ngayon mapungay ang mata.. animo'y nagpapacute...

Mr. Misinterpreted

Hindi sila nagkakaunawaan sa bagay na dapat sana nama'y hindi pinagtatalunan... Hindi nga ba naman masamang magpaalala ang wika niya.... pero.. ang tanong.... meron nga ba siyang nasabing hindi maganda? parang tama sila... tama ka.. tama silang dalawa... haaaissttt... pag-ibig nga naman...        

I Don't Know Why

Di ko alam kung bakit last second na lang ay nagbabago pa ang isip ng mga tao... Hindi ba pwedeng simulan at tapusin ang isang araw ng masaya para lagi na lang masaya? tingin pwede yun eh... Parang weather.... ang hirap i-predict...

Reebok Stop and Dish

Image
Nakabili ako ng basketball shoes nung Sunday sa Trinoma.... I am now officialy announcement of my Anta rubber shoes after 3 years of  service sa hardcourt... Sale lang ang bili ko dun sa Reebok kaya yun pinatulan ko na... Haaist... nakabili din ng bago.. lol

There is always a first time

Sa buhay natin dito sa mundong ibabaw at dumarating ang mga bagay na pers time.  tulad ng araw na ito ibat-ibang experiences ang naranasan ko sa araw na ito.  Buniyahe ako ng napakalayo upang makapunta sa isang pagdiriwang. Sumayaw ako ng ballroom pero merong dance instructor.. Nung una nahihiya ako pero sa bandang huli nakuha ko din an ritmo ng pagsayaw hindi lang ako sure kung nagustuhan ito ng mga nakapanood.. problema na nla iyon. pagtapos sa nasabing pagtitipon ay tumungo naman ako sa isang pistahan.. medyo late na nga pero ganun talaga sorry naman... medyo solve ako sa inuman kaya heto nanghiram ako ng laptop ng may laptop para lang ma ipost ang blog na ito.... yun lang.. pero to sum everything.. i am happy and i am sure that everybody is happy as well.   medyo nakainom na talga ako kaya pagpasensyahan nyo na kung mali ang mga gramar at ispelling ng entry na ito..   Gandang Umaga sa Lahat!   Kape tayo.... next time sana mas madami ang latik sa maha... akala ko binili lang,..