STRIKE ANYWHERE

Nagkakape kahit saang lugar man abutan! Wheeeww! Ang aga ko sa SM North edsa kanina... kailangang makauna sa last minute na bilihan... pero syempre, para ma jumpstart ang puyat at pagal na katawan, kape muna... this time, sa Dunkin Donuts ang nadale ko.. Singsarap (na rin) pero di sing-mahal...



Namili kami ng mga regalo para sa ilang mga mahal sa buhay. Ngayon lang kasi nagkaroon ng pagkakataon na makabili at syempre mahigpit din ang budget para sa paskong ito.  Hirap si Mildred kanina sa mall kung kaya't naisipan ko na mag rent ng wheelchair para sa kanya at buti na lang at may ganun na sa SM.  Di baleng ako ang mapagod sa pagtutulak wag lang ang mahal ko.

May sinimplehan akong bilihing regalo para sa isang espesyal na tao; pero, hindi ko alam kung kailan, paano or kung ko ito nga ay maibibigay ko pa sa kanya... Hmnnnn.. bahala na si Aquaman!

Gandang hapon po! Kape tayo...

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...