CHRISTMAS MORNING

Kahit madaling araw na ako nakatulog kanina, maaga pa din po ako gumising sapagkat maagang dumating din ang ilan sa aking mga minamahal na inaanak.  Natutuwa ako dahil ang iba sa kanila ay ilang taon ko na ring hindi nakikita lalo na yung mga nakatira sa ibang lugar.

Pagkatapos ay tumuloy na ako sa simbahan ng aming parokya dahil may kumuha sa akin ulit bilang ninong ng kanilang mga anak.. Medyo matagal bago magsimula ang binyagan dahil na rin sa dami ng tao at saka na rin dahil medyo maingay ang ilang mga tao sa loob ng simbahan na nagpadagdag sa pagkakaalintala ng seremonya.

Hindi na ako nagtagal sa reception ng binyag sa kanilang tahaanan sa Guerrero dahil hinihintay na ako ng buong pamilya sa West Avenue Kamay Kainan para sa isang pampamilyang salu-salo.  Masaya naman at busog na busog ang lahat.

Kakarating ko pa lang sa bahay ng nagyayang magpaturo sa akin ng bike si George kung kayat kahit pagod pa ay agaran ang tumalima sa hiling sa akin ng aking poging panganay kayat heto ako ngayon at pagod na browsing lang sa ilang pages sa internet..Ang saya! Sana araw-araw ay pasko sa puso ng bawat tao.

Maligayang pasko! Kape tayo...

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...